First day of school kahapon… matapos ang holidays ng dahil dumating si Frank. Sobrang celebrity ampootah! Wala agad pasok ang lahat ng paaralan pagdating niya. Siyempre hot issue ang mga nangyari ng dahil sa bagyo.
Lahat ng tao sa skul nagtatanungan kung kamusta na ang bahay ng isa’t isa. Kunyari magkabarkada ang mga bahay naming lahat na nagpapatanong ang isa kung kamusta na ang isa. Mga tanong na kunyari may halong pagka-miss. Kapag hindi nabahaan at nauga ang bahay na tulad ko, ngiting abot tenga at super talon with matching sigaw na “Ok lang kami!! Hindi kami binaha!! Yahoo!!”. Kapag binaha ang bahay na abot bewang, ngiti ng konti at nagsasabing “Ok lang. Hindi masyadong malalim ang baha sa amin”. Kung abot kisame na baha, ismirk na lang kasi “buti na lang may second floor kami” o ‘di kaya umiiyak at full drama ang “buti na lang buhay kaming lahat”.
Tatlong teachers ko ang umakyat sa bubong. ‘Yung isa, nasa bahay ng kapatid niya na may dalawang maliliit na bata at isa sa mga batang ‘yun ay 10 months old. Awang-awa siya sa 10 months old na baby dahil nanginginig sa lamig habang nasa taas sila ng bubong. Takot na takot ang nanay niya na baka mamatay sa lamig ang bata, at nanginginig ang boses nito na nagsabing “nangingitim na ang baby!”… pero dahil lang naman pala ‘yun sa putik. Pooteek! Ang dumi oh!
Hindi ko rin inakala na ang heavy make-up, heavy jewelry, sexy clothes, at late 40’s or early 50’s kong teacher ay napaakyat rin sa bubong. ‘Nung nabalitaan ko nga eh na-imagine ko pang nakaporma pa siyang ganun habang takot na takot na tumatambay sa bubong nila, at dahil giniginaw siya sa mga oras na ‘yun, may fur coat siya at may transparent umbrella. Kewl!
‘Yung isang teacher naman, ‘yun ang source of strength naming lahat. Habang nasa bubong siya, naglet go na rin siya sa lahat ng material na bagay na nasa bahay nila. Feeling ko nga habang nasa bubong si Ma’am, nagpaplano na siya kung pano siya babawi at magpapayaman uli after ng baha. Nag-iisip na rin siguro ng prospect clients sa firm nila. Positive thinking.
Ang ate ng kakilala ko, nakainom pa ng tubig baha dahil nahulog mula sa loob ng bahay nila nung umapak sa bubong. Parang nasa sine lang na nahuhulog ang tao dahil sa marupok na bubong pero nangyayari pala sa totoong buhay. Good side: tubig ang nahulagan niya kaya’t hindi gaano ang impact. Bad side: sementeryo lang naman ang nasa likod ng bahay nila. Masusuka-suka siguro ‘yun hanggang ngayon.
Habang nasa taas ng bahay nila ang isang pamilya, para silang nakasakay sa malaking salbabida na nagpapaanod sa baha. Sa lakas ng agos ng tubig ay nagtatravel na rin ang mga bahay. Parang may command lang na, “pare, di ka bagay sa loteng ito. Dun ka muna sa kabilang lote kasi mas malawak dun.” Sumusunod din ang bahay at nagpadala rin sa agos hanggang sa mapadpad sa kung saan.
Kung mejo marupok pa ang buong bahay ay kaya ring erase-in ng baha ang bahay sa location. “Ampanget ng arkitektyur mo, ayoko sa’yo! Erase!” at ayon nga’t wala na agad ang bahay mo.
Parang mga damit na nakasampay ang mga patay na tao nung nawala ang baha. Merong nasa gate, nakakapit sa poste at kung saan saan pa. Mga sasakyan na nakahiga sa daan. Inantok siguro bigla kaya’t nakatulog habang bumabyahe. Ang ibang mejo grabe ang antok ay sobrang nakatihaya talaga. Mga tulay na nasira at mga posteng natumba. Mga bahay na walang bubong, walang dingding o wala na talaga. Perfect ngayon ang Iloilo para sa shooting ng isang movie. Kung kailangan nila ng chaos ay hindi kailangan pag-effortan ang set. Eto at napakanatural ng lahat. Reading ready na. Dapat iparent na ng mga mayor ang towns nila. Sayang din ang pera’t pwede pang itulong sa ibang nahihirapan.
Kaso hindi pala sila makakapag-operate dahil maraming bayan pa dito ang brownout pa rin. Sa susunod na bwan pa raw babalik ang kuryente. Nagbakasyon daw sa malayo at nastranded dahil sa pinsala ng bagyo eh di makapagtravel. Siguro kasama sa Sulpicio kaya nirerescue pa sa ngayon si mareng electricity.
Entrepreneurship comes in times of needs ika nga. Dahil sa bagyo, 100-200 ang kilo ng bigas. 3 for 100 ang kandila. 100 per phone ang charging. Astig din naman talaga ang mga pinoy. Sa halip na tumulong eh pinahirapan pa lalo ang iba. May iba nga na nakikirasyon pa sa relief goods para sa biktima kahit hindi naman nabahaan. Meron din namang dumadami ang pera ng dahil sa scrap. Marami ang makikita at mabebenta ngayon. Sa bubong pa lang na nagkanda lipad lipad eh ilang kilo na rin ‘yun. May employment opportunities din ng dahil sa kalamidad. Marami ang naghahanap ng labandera sa mga maputik na damit at taga-pala ng maputik na sahig. Para ngang snow na brown ang pinapala dito.
Pero kahit papano ay nakatipid na rin sa pulbos ang mga tao dito. Dahil sa mga natuyong putik ay nagiging free powder na ang bawat pagsakay sa jeep. Kung mas malayu-layo pa ang pupuntahan mo ay foundation na talaga ang makukuha mo. O di ba’t lipstick na lang ang kulang mo?
Masaya ang usapan namin tungkol kay Frank. Kunyari malaking joke lang siya at panaginip lang ang nangyari. Kahit mga grabeng sitwasyon tinatawanan namin. Alangan namang mag-iyakan kami dun eh wala na rin namang magagawa mga luha namin. Hindi mababayaran ng luha ang 800million na damage niya.
Selfish ‘yang si Frank. Basta’t makadaan lang siya ay okey na siya. Hindi niya iniisip ang trabaho at hanap-buhay ng mga madaanan niya. Hindi rin niya iniisip ang social status. Not considered ang age, size, height, skin color, race, beauty, love life, sex life at kung anu-ano pang eklavush na pwedeng iconsider. Siguro tinatry din niyang iconsider (benefit od the doubt na mabait siya), pero sa huli ay dumugo ang ilong niya sa dami ng dapat isipin, isolve na probability at ianalyze ang mga results ng statistics niya. Kaya’t ayun, dumaan na lang bigla.
Hala bira Iloilo sulong sa pagbag-o
(Hala bira Iloilo sulong sa pagbabago)
Hala bira Iloilo ang matahum nga banwa ko
(Hala bira Iloilo ang magandang bayan ko)
Sa tanan nga tinion ikaw ang palanggaon!
(Sa lahat ng panahon ikaw ay mamahalin)
Theme song ‘yan ng Iloilo at maririnig tuwing Dinagyang festival. Masayang kanta at mabilis ang beat. Babalik din sa dating niyang sigla ang probinsiya namin. Unti-unting makakarecover din ang lahat.
USWAG ILOILO!!!