Jhaynee

Archive for Hunyo, 2008|Monthly archive page

Sa Takdang Panahon

In Others on Hunyo 6, 2008 at 6:02 hapon

magsisimula ang kwento ko sa isang mainit na hapon.. init na tipong uubusin ni haring araw ang lahat ng tubig sa katawan mo sa pamamagitan ng pawis.. pawis na lalabas sa lahat ng pores ng balat mo.. kulang na lang, pati bibig mo pagpapawisan..

pero hindi ito ang punto ng kwento ko… hehehe…

dahil lang kasi sa init na ‘yun kaya ako napadpad sa malapit na mall..

habang naglalakad ako, at nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin sa 50 pesos na baon ko, napadaan ako sa isang photo studio.. hindi ako magpapapicture.. wala rin naman akong ipapaprint.. pero parang may humahatak sa’kin papunta dun.. na para bang ang lalaking nakangiti sa picture na nakadisplay ay nagsasabing “miss, titigan mo naman ako kahit sandali lang”… ako rin namang si uto-uto ay napatigil at napatitig din..

nagulat ako nang may boses na nagsalita sa likod ko.. “ay Shayne, sin-o upod mo di ga?” mama pala ng dati kong kasama sa choir sa simbahan.. dating kasama.. kasi patay na siya..

18 years old.. 2ng year college.. isang araw, nabalitaan ko na lang na nagpakamatay daw si Mahal.. isa siyang masayahing bata.. may pagkapasaway at madalas makagalitan ni tita.. may sarili kasing pamamaraan at yun ang parating nasusunod at sinusunod…

isang katekista si tita… deboto at malakas ang pananampalataya sa diyos… kaya sa lahat ng tao na nagmamahal kay Mahal, siya ang pinakanasaktan.. hindi lang sa pagiging nanay niya.. kundi sa pagiging isang matapat na alagad ng diyos..

“asta subong bala Shayne, indi ko gd maintindihan kung ngaa natabo to kay Mahal.”

nagkwentuhan kami.. ng matagal na matagal… para bang ang usapan naming yun ang makapaghahatid sa kanya ng lahat ng sagot sa tanong niya.. eh wala rin naman siyang nakuha sa’kin… hehehe..

“hambal ko gani ga, Lord, kung gustohon mo lang, pwede mo sa punggan mu. pero ngaa wala haw?”

napaisip ako sa sinabi ni tita… oo nga naman.. kung gugustuhin lang Niya, kayang kaya niyang pigilan ang ginawa at inisip ni Mahal.. bago nangyari ang insidenteng yun, nagtext pa raw si Mahal sa mga kaklase nya.. humihingi ng tulong at nagpapadalaw sa bahay… sa sobrang busy ng lahat, walang nakapunta.. kung ginusto lang Niya, kayang kaya niya papuntahin ang kahit isa man lang sa mga kaibigan ni Mahal.. pero ni isa ay walang sumipot sa kanya..

nahawa na rin tuloy ako sa mga tanong ni tita.. natanong ko na rin tuloy sa sarili ko kung God’s will din ang suicide.. pero siyempre, pareho kaming walang alam.. pareho kaming hanggang tanong na lang.. at pareho kaming, nagmamadaling umuwi..

naglalakad akong may malaking tanong sa isip ko.. alam kong kahit ilang ulit ko mang itanong at isipin ay hindi ko pa rin kayang kunin ang mga sagot..

siguro nga sadyang may mga bagay lang na kailangan mangyari sa ngayon.. at kailangang ipagpabukas ang mga sagot.. tulad ng mga bagay sa buhay natin na kung sa sariling pag-unawa natin ay walang kabuluhan, mga paghihirap na akala natin ay hindi naman bagay mangyari sa’tin at mga pagsubok na akala natin ay wala namang magandang maidudlot sa atin…

konting hintay na lang…

ika nga sa Our Daily Bread: (wag magulat.. nagbabasa ako niyan, promise)

God may linger on giving the answers to our questions, but he is never too late…