Jhaynee

Sweet Revenge

In 1 on Marso 20, 2010 at 11:40 umaga

Sabi nila, masama raw ang gumanti. Ito raw ay hindi kailanman maituturing na katapangan lalong lalo na kung madagdagan lang ang gulo na sinimulan na. Mas maituturing daw na matapang ang mga taong nagpapakumbaba, nagpapatawad, nagbibigay at naguunawa. Ayon nga sa sikat na quotable quotes ng ninuno natin, “Kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.”

Pwes, kung ganon, hindi ko na aangkinin ang titolo ng katapangan. Hindi ako mapagkumbaba at lalong lalo nang wala akong tinapay. Wala akong panahon para mag-isip at intindihin ang mga bagay na hindi naman dapat pang pag aksayahan ng oras. Kaya’t bahala na ang Diyos, gaganti ako!

Sa katahimikan ng gabing naka on ang TV, naisipan kong libangin ang sarili ko sa isang pinakaordinaryo pero kapakipakinabang na paraan, ang mangulangot. Dahan-dahan kong pinasok sa loob ang daliri ko. Halos nakapikit na ang mga  mata ko sa sarap ng pakiramdam. Hinay hinay nitong kinapa ang mga nagbibilugang boogers. Nagpapaka hard to get pa ang mga gaga at sobrang attached sa ilong ko. Ilang position na rin ang nasubukan ng kamay ko at sa awa ng Diyos naman, “tagumpay ang operasyon”.

Sa pangalawang round ko, habang sinusubukan kong kunin ang finale at ang mother of all kulangots sa pinakadulo ng tunnel, biglang may gumalaw sa kamay ko. Paglingon ko sa kaliwa, ang ubod sa sweetness kong boyps pala hinagisan ako ng unan. Sweet no? Akala ko nung una, all’s good lang kaya dinilatan ko lang ng mata at pinagpatuloy ang aking karera. Pero nang nakaramdam na ako ng hapdi, nilabas ko ang daliri ko at may nakita akong dugo. Galit na galit kong hinagis ko ang unan pabalik sa kanya. Dali-dali din siyang kumuha ng tissue para maisaksak sa ilong kong dumudugo at niyakap niya ako sa kanyang matitipunong braso habang binabasa  ng mga luha ko ang suot niyang t-shirt. Paulit-ulit niyang sinabi na hindi niya sinasadya. Sorry. I love you.

Bingi ang tenga kong umuusok sa galit at bulag ang mga mata kong puno ng luha.

Nung humupa na ang sitwasyon, naisipan niyang manguha ng whiteheads at gamit niya ang salamin sa pressed powder ko. Kaya nung naisipan kong gumanti, wala siyang magawa kundi ang sambitin na…

pasalamat ka, malaki kasalanan ko sa’yo ngayon

Advertisements
  1. hahaha adik ka shane. kakaiba ka mag revenge.hehehe daw di na ko na magpakita tsura ko kung amo na himuon mo sakun.anyway mayu man na nga revenge imu ah. di ka masakitan pero mahuy-an ka lang.hehehe i’ll reyt u 10.

    hahaha! ikaw gd ya ang first magcomment diri.. may subscription ka sa blog ko? hehehe wala ko man sa ginpagwa sa balay ah… ara lang man kami sa sulod then we did a photoshoot.. damo pa na pictures ya meg.. hahaha! pasalamat sa love ko sa kundi isa lang ang ginbytang ko di.. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: