Jhaynee

Archive for Hulyo, 2008|Monthly archive page

Paano magbusy-busyhan sa isang linggo…

In Walang Uri on Hulyo 29, 2008 at 4:06 hapon

Wednesday

  • Asikasuhin ang lahat ng mga kulang para sa isang event sa susunod na araw.
  • Mainis sa mga officers ng PICPA sa Iloilo chapter dahil sa last minute change of venue
  • Puntahan ang mga judges na hindi na hingian ng contact numbers para ipaalam na hindi na pala sa Robinson’s Place ang contest
  • Gumawa ng certificates at magprint ng magprint hanggang sa magsara ang opisina ni mama

 

Thursday

  • Maaga na pumunta sa venue ng event
  • Magprint ulit ng magprint ng mga kailangang files at sheets
  • Maghold ng isang whole day event na may quizbowl at litmus
  • Magsaya dahil super winner ang contestants ng school
  • Kumain sa jollibee at makipagbonding sa kapwa officers
  • Umuwi sa bahay para magbihis, kumuha ng gamit at magpaalam kay mama
  • Dumiretso sa school para makipagkita sa mga kasama
  • Nanood ng pacontest na puro teachers ang kasali
  • Matawa sa itsura ng mga teacheers na mukhang hindi na kagalang-galang
  • Pumunta sa isang subdivision at magpractice ng modeling
  • Pigain ang lahat ng creative juices sa pag-iisip ng choreo at concept ng modeling
  • Magturo ng catwalk kahit walang experience
  • Magpuyat ng magpuyat

 

Friday

  • Gumising ng late at paghintayin ang mga kasama
  • Magtext na mauna na lang sila dahil di ka talaga aabot sa call time
  • Mag-iisang tahaking ang daan papuntang San Joaquin
  • Makilunch sa bahay ng lola
  • Pakiusap ang lola na abusuhin ang koneksyon sa central elementary school para makapagpractice doon ang mga kasama
  • Pumunta sa school para makipagchikahan sa principal
  • Maghintay ng mga kasama sa park habang nagdedate sa ex
  • Magpractice sa covered gym at magfeeling sikat
  • Magturo ng catwalk ulit kahit di rin nakatry
  • Magdrive ng matulin papuntang Miag-ao
  • Takutin ang mga pasehero dahil sa “reckless” driving
  • Mataranta sa situwasyon ng sariling contestants dahil wala pang make up costume at body paint habang ang iba’y sitting pretty na lang at naghihintay ng contest proper
  • Manood ng performance ng grupo
  • Hindi nakapagcheer dahil naninikip ang dibdib sa kaba
  • Masaya dahil sa ganda ng performance. Matuwa. Magcelebrate
  • Madisappoint sa resulta dahil 2nd lang
  • Magdrive pauwi kasama ang bespren at matulog

 

Saturday

  • Umuwi pabalik sa city kahit bangag sa pagod at puyat
  • Matulog ng 30 minutes pagdating sa bahay
  • Subukang mag-aral ng government accounting
  • Pumunta sa school dahil may exam ng alas 2
  • Maki-usap sa teacher na sa Tuesday na lang pakunin ng exam dahil pagod at bangag mula sa activity kagabi
  • Tumalon sa tuwa dahil pumayag ang teacher
  • TUmambay sa coffee shop
  • Makipagchikahan sa mga Sicilies (bagong pangalan ng friendships ko)
  • Makipag-usap tungkol sa lablayp at seks
  • Tumawa ng malakas na malakas kahit na nakatingin na nang lahat ng tao. no kebs
  • Pumunta sa dinner treat ng isang kaibigan
  • Magpakabusog sa seafood kahit allergic
  • Sumama sa night out ng tropa kahit di pinayagan ng mama
  • Magsinungaling na uuwi agad
  • Uminom
  • Mainis dahil ____________________________________
  • Magbilliards
  • Makipagtawanan ng walang hanggan with SISors
  • Umuwing bangag

 

 SUnday

  • Umatend ng covenant ng youth for family and life….. dahil may kasalanan na kay mama kagabi at bawal dagdagan ngayon
  • Mainip at maantok sa bawat speaker
  • Mainis sa isang leader dahil paborito niya akong tirahin…. hindi pa ko pinauwi titirahin lang din pala ako.. hula ko may crush sa kin yun =)
  • Matulog……
  • Matulog……
  • Magising at mag-aral ng Theory of Accounts pero hindi tatapusin
  • Matutulog

 

Monday

  • Maagang gumising
  • Kumuha ng exam sa TOA
  • Umattend ng klase sa Tax
  • Lumabas sa klase at matulog sa student council office
  • Bumalik sa klase kung patapos na ang time
  • Umuwi ng bahay
  • Magcheck ng blog
  • Matulog
  • Umabsent sa 5:30 sa klase dahil sa antok
  • Matulog ulet
  • Subukang mag-aral para sa exam na pinakiusap sa government accounting
  • Huwag tapusin ang pag-aaral
  • Matulog agad

 

Tuesday

  • Pumasok ng maaga sa EDP
  • Late pa rin kahit magtataxi na
  • Tumingin sa reporter at magkunwaring nakikinig
  • Magscan ng photocopy dahil akala mo may quiz
  • Pagnalamang walang quiz eh matulog sa klase
  • Magbasa ng Govt Acctg dahil may exam mamaya
  • Magbasa pa rin kahit na nasa loob na ng ibang klase
  • Tumingin sa teacher at makipag eye contact, tumango na waring nag-aagree, yumuko, bumasa ulit ng photocpopy sa Govt Acctg
  • Pumasok sa isa na namang klase
  • Gamitin ang kaparehong technique
  • Magsulat habang may sinusulat ang teacher sa board
  • Magkunwaring kumokopya
  • Magsulat ng notes sa Govt Acctg
  • Tapusin ang binabasa
  • Pumunta sa kapehan kasama ang bespren at doon mag memorize ng buong photocopy
  • Magconstruct na agad ng senteces dahil essay ang exam
  • Kumuha ng test
  • Nangawit ang kamay sa isang oras ng pagsusulat
  • Nadalian sa exam
  • Umuwi ng maaga dahil matutulog
  • Mapadpad sa hospital dahil may kamag-anak na naaksidente
  • Asikasuhin ang kelangan ng kamag-anak
  • Umuwi sa bahay na pagod at sabog dahil sa LAHAT ng nangyari
  • i-blog ang tungkol dito

Inggitera 2

In Others on Hulyo 22, 2008 at 3:34 umaga

nakibasa na naman ako ng kaemohan ni Maldito kaya’t heto at naalala ko ang isang malungkot na kanta na sinulat ko nung nasa kaparehong sitwasyon din ako..

Nung una kong pinost ito ay wala pang tono.. Ngayon, wala pa rin siyang tono.. hehehe.. kung sino man ang magkainterest na gawan ng tono tong kanta.. pakisend na lang din ng audio file sakin at ipaparecord natin kay regine velasquez.. hehehe.. ASA!!!

*posted last December 2007

The only witness

under the moonlight
shadows seem to grow alive
waters sparkle like diamonds
stars radiate their might

but amidst this beauty
lies a sorrowful heart
though in silence
i hear a defeaning shout
and beyonnd this wonder
a reality needs to come out

chorus:
under the moonlight
this is where we have to say goodbye
leave all the fantasy
in this place and let it fly
cause all the pain will go away
it’ll melt as we cry
under the moonlight
with our goodbyes

the world that filled my heart with joy
is the same world that took it away
i tried to keep it spinning
but it just stopped along the way
under the moonlight
i realized that maybe we weren’t meant to be
that in the first place
there shouldn’t have been a “you and me”

(repeat chorus)

bridge:
i promise not to look back
for you not to see my tears
i’ll pretend to be strong
i’ll be leavin’ without fears
so don’t call my name now
i might regret what i’ve done
under the moonlight
this is where i’ll be gone

(repeat chorus)

under the moonlight..
alone, i’ll cry..

*one of these days, ill be able to think of the music. and all these words would become lyrics of a heartfelt song.* sigh

Inggitera

In Others on Hulyo 21, 2008 at 7:26 umaga

Dahil hindi ko nakita ang personality test na to sa blog ni Beero at hindi ko masyadong nagustohan ang mga results niya. Hindi rin naman ako inggitera at hindi ako nacurious kung ano ang mga results ko… Kaya’t hindi ko talaga ti-nry na kumuha ng test… HINDI KO TALAGA TI-NRY!!!

Kaya’t eto na ang results ko… Hehehe…

Ako daw ay isang…

 

Groundbreaking Thinker (GT)

Groundbreaking Thinkers are charming, enthusiastic persons. They really bubble over with energy and like to take centre stage. They love variety both professionally and privately. Groundbreaking Thinkers tackle changes consistently with their optimism and firm belief in their own abilities; they are always on the look-out for improvement possibilities. Their excellent communication skills are of great advantage to them here. They approach the world with curiosity and openness and master new situations with a great deal of talent for improvising and with resourcefulness. Their spare time is taken up with a large number of hobbies; most Groundbreaking Thinkers like to travel in order to gather as many different impressions as possible. This personality type is unbeatable at discovering new possibilities.In their work, Groundbreaking Thinkers highly rate challenges and diversified tasks. They cannot stand routine and too detailed work. They love to astound others with bold ideas for an original, new project and then leave it up to the others to implement them. Hierarchies, rules and regulations arouse their opposition and they love outsmarting the system. It is vital to them that they enjoy their work; if this is the case, they quickly become pure workaholics. Their creativity best takes effect when they work independently; but they are very good at motivating others and infecting them with their optimistic nature. Conceptual or advisory activities appeal especially to Groundbreaking Thinkers. It can happen that some people feel somewhat duped by their flexible, spontaneous nature.

Their sociability and enterprise ensure that Groundbreaking Thinkers always have a large circle of friends and acquaintances in which activity plays an important role. As they are mostly in a good mood, they are popular and very welcome guests. Grumbling and peevishness are unknown to them. However, they do tend to be a little erratic and unstable when it comes to obligations and this makes them appear to be unreliable to some. Groundbreaking Thinkers are very critical and demanding when it comes to picking a partner because they look for the ideal relationship and have a very concrete picture of this ideal relationship. Mutual aims in life are very important to them. They do not like compromising and would rather remain alone. For the partner, it is often a challenge to have a long-term relationship with a Groundbreaking Thinker. Groundbreaking Thinkers need a lot of space and diversity or otherwise they become bored and feel cramped. Types who are rather more traditionalistic often have problems with the willingness of Groundbreaking Thinkers to take risks and their often crazy, spontaneous actions. However, if one can summon up sufficient flexibility and tolerance for them, one will never be bored in their presence and will always have a loyal and faithful partner.

 

Adjectives which describe me

extroverted, theoretical, logical, spontaneous, rational, innovative, intellectual, open, independent, curious, enterprising, analytical, clever, enthusiastic, venturesome, inventive, energetic, sociable, optimistic, non-conformist, creative, freedom-loving, charming, able to get enthusiastic, self-confident, communicative, capricious, inconsistent, outgoing

Subject that interests me

documentaries, books, talks, museums, computer, Internet, strategy games, politics (?), drawing/painting

 

Sana magkaroon din ako ng proofs tulad ni Beero.. (inggiterang natural umiiral na naman) Pero wala akong naihanda at wala rin akong pambayad sa mga taong magte-testi.. Hehehe.. Maniwala na lang kayo sa’kin at sa test na to dahil sobrang accurate ng result.. Hehehe…

Kaya’t kung hindi niyo rin masyadong nagustohan ang mga results ko, at hindi rin naman kayo inggitera at hindi kayo nacurious kung ano ang mga results niyo… Huwag niyo talaga i-try na kumuha ng test… HUWAG NIYO TALAGA ITRY!!!

Dear college teachers,

In Others on Hulyo 13, 2008 at 7:30 umaga

Marami po akong mga hinanakit sa inyong lahat. Hindi lang po ako umiimik dahil ayaw kong makasakit ng kahit isa sa inyo. Kahit papano naman ay pinalaki rin ako ni mama na may respeto sa aking sistema. Kung hindi ko man kayo kayang respetuhin bilang mga guro ko, nirerespeto ko pa naman kayo kahit papano bilang mga taong mas matanda sa akin.

Akala niyo siguro puro lang ako bulakbol at pasaway. Baka isipin niyo rin na ang bobo kong bata. Sabihin niyo pang chamba ang pagkakapasa ko ng UPCAT. Matalino po ako. Sabi yun ni mama at naniniwala ako sa kanya. Pero ayaw kong ilabas sa mga klase niyo. Walang ni isa sa inyo ang kayang imotivate ako na mahalin ang accounting. Hindi niyo na rin ako mapapatino dahil last year ko na lang rin at wala nang point para pag-effortan niyo pa ang pagiging behaved ko.

Aaminin kong never akong nakinig sa mga klase niyo. Dahil ang boboring niyong lahat at lahat ng “tinuturo” niyo ay nasa libro rin naman. Puro self study lang ang ginagawa ko for 4 years. Nakasurvive din naman ako na wala kayo. Salamat sa pag-aksya niyo ng oras ko kakaattend ng mga klase niyo. Sana next time, magpatawag na lang kayo ng students kung mag-eexam na para effective tayo sa time management, Di pa natin napapainit ang ulo ng isa’t isa.

May mga oras din naman na nag-eeffort akong makining sa inyo. Hindi lang birong effort kundi to the max na effort para makinig sa boses niyong tunog lullaby for 1 hour. 1 and a half hours ang klase natin, alam ko. So sa natitirang 30 minutes, siguradong nasa ibang lugar na ang isipan ko, nagliliwaliw.

Hindi naman kayo masasamang mga guro eh. Masamang estudyante lang talaga ako. Ewan ko nga rin ba kung bakit ganyan ako. Sobrang maikli lang talaga ang attention span ko. Hindi rin ako pasensyosang tao. Pero huwag kayong mag-alala. Kahit naman gumagapang ako para sa pagpasa sa inyo dahil sa mga activities kong di maubos-ubos, ginagawan ko naman ng paraan yan. Kung alam niyo lang na hindi lang gapang ang inaabot ko. Log roll, snake roll, back roll, spanish roll, lahat na.

Anhirap ng college life. Buti na lang at malapit na akong matapos. Malapit ko na rin kayong iwan. Hindi ko kayo mamimiss. Promise. At siguradong masisiyahan rin kayo na wala na ako sa skul.

Pero bago matapos ang lahat…

Salamat na rin kahit papano. Naging bahagi na rin naman kayo ng magulo kong buhay. Sa isang parte naman nun ay kayo rin ang nagpapakulay nito. Mas madalas nga lang na black ang pinipinta niyo. Pero ayos lang yun. Kelangan naman talaga ng dark colors eh. Pangit ang masyadong bright na painting. Wala akong natutunan sa inyo kung accounting lang rin ang kwentuhan, pero sa buhay meron. Kahit papano ay sinampal niyo naman sa akin ang concept of professionalism. Oo, kahit ayaw ko kasi sa inyo ay dapat civil lang tayo. Kawawa grades ko kung sakali.

Pasensya na rin kayo. Puro late at absent ang nanjan sa records ko. Haaaaay. Sa alumni homecoming, donate na lang ako ng maraming aircon sa faculty room. Tig-iisa kayo ng aircon. Kung sa ibang college, one per room, sa department natin, one per table. Ayos ba? Makabawi man lang sa mga kasalanan ko sa inyo.

Can’t wait to get loose from your grips!

Pagsisinungaling 101

In Walang Uri on Hulyo 9, 2008 at 10:46 umaga

Kung may mga bagay man dito sa mundo na magaling ako, isa na ata rito ang pagsisinungaling. Hindi ito skill dahil unang-una sa lahat, hindi ko ito natutunan sa kung saan-saan, sa kung kani-kanino at kung paa-paano lang. Ito ay isang “innate in nature” na talent.

Hindi ko naaalala na namroblema ako sa mga sitwasyong kelangan ng palusot. Kahit saan at kahit kailan. Kahit nung bata ako ay magaling na ata agad ako. Hindi ko rin maalala ang panahon kung kelan ako nagsimulang magsinungaling. Hula ko, nag-umpisa ang lahat nung pinanganak ako ni mama. Kelangan pa kasi akong i-induce para lang lumabas. Sa takot ko na mapagalitan ng doctor, kasinungalingan na agad ang unang iyak ko. Nagtry pa ako mag-explain kung bakit natagalan ako sa loob. “Uwaaaaah! kasi doc, hindi gumana ang alarm eh. Uwaaaaah! Kala ko tuloy di pa tapos ang deadline. Uwaaaah!” Nagalit siguro ang doctor kaya pinalo ako sa puwet.. UWAAAAAAH!!!

Dun na ata nagsimula ang lahat. At dahil masama raw ang magdamot dahil magagalit si Papa Jesus, isheshare ko naman sa inyo ang mga tips ko para sa effective na pagsisinungaling. Para sa mga di pa marunong, di pa sanay, di pa nakakatry pero gustong itry (parang drugs ah).

Know your liee (la-yee). kung may liar, meron ring liee. Gawa-gawa ko lang to. hehehe. Yung liee yung taong pagsasabihan mo ng kasinungalingan. As much as possible, dapat alam mo ang liko ng bituka ng liee mo para mas malaman mo kung ano ang tamang diskarte na gagamitin sa kanya. Dahil hindi naman ito ang parati ang sitwasyon, sapat na rin na at least alam mo kung sino ang liee mo para na rin makapaghanda kahit papano.

Hans-Christian-Andersen Mode. Ihanda ang sarili sa paggawa ng istorya gamit ang imahinasyon. Kailangan mong paghandaan ang rason mo. Hindi pwedeng bahala na mamaya. The more prepared you are, the better. Dapat gumawa ka na ng sarili mong “past” at ito ang magiging picture sa utak mo kapag tinanong ka na. Kailangan mong buoin ang isang sitwasyon at kailangan na pag-isipan mo rin ang mga detalye ng mga bagay na kunyari ay nangyari. Hindi sapat na magfocus ka lang sa sarili mo, tingnan mo ang sitwasyon in a bird’s eye view at dapat ang lahat ng mga bagay sa kwento ay magkakatugma. Makakatulong kung ibabase mo ito sa mga totoong kaganapan. Lesser lies, lesser chances of getting caught.

Prepare for possible questions. Kapag buo na ang kwento mo, subukan mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyon na ikaw kunyari ang liee at inilahad sa’yo ang ganitong kasinungalingan. Magdududa ka ba? ano kaya ang mga tanong na sasagi sa isip mo? Ihanda mo na rin ang mga sagot sa mga tanong na ito. Kahit mga walang kwentang tanong pag-aksayahan mo na rin ng oras na sagutin. Malay mo lang makatulong.

Edit. Kung ang sitwasyong nabuo mo ay hindi tama at hindi mo nalusotan ang mga possible na sagot, irevise mo na lang ang dati mong kwento at huwag kalimutan na dapat tumpak ang fit ng revisions mo sa lahat ng elements ng story mo. Ulitin ang pagtatanong at pagrerevise hanggang sa maperfect ang storyline.

Internalize. Kapag nakuha mo na ang sitwasyon na sa palagay mo ay magliligtas sa’yo sa kapahamakan ay isapuso mo na ang lahat ng elemento ng kwento mo. Erase mo na rin muna ang totoong nangyari dahil pwede itong makagulo ng isip mo. Focus lang muna sa sitwasyong nabuo mo at imemorize na muna ang mga “nangyari”.

Practice. Kung di ka sanay umarte, mas mabuti kung magpractice ka. Harap sa salamin at todo memorize ng script. Tingnan mo na rin ang facial expression, voice modulation, speech clarity, mastery, etc. etc. Parang declamation lang nung Grade 2.

Accomplices. Hindi ako great fan ng accomplices dahil minsan sila ang magpapahamak sa’yo. So keep their number minimal. Kumuha lang ng accomplice kung talagang kailangan na. Piliin lamang ang taong mapagkakatiwalaan at yung tipong di ka ilalaglag.

Documentation is a NO NO. Dahil sa mga larawan, sulat, etc. etc. ay mas lalaki ang chansa na mahuhuli ka. Kaya’t kung maaari ay di ito adviseable. Kung gusto mo ng remembrance ay pumili ng bagay na hindi pagdududahan ng iba tulad ng bato kung nagbeach ka, at kung ano ano pang basura. Bawal magtake home ng panty at brief. Hindi mo mahahanapan ng lusot ‘yun.

Mix emotions. Kailangan ay tama lang ang level ng emotions mo para magmukhang natural at totoo. Kung sobra ay mahahalatang ninenerbyos ka at kung kulang naman ay hindi kapanipaniwala ang story. Kung ano ang emotion na kailangan ng karakter mo, ‘yun din ang level na dapat meron ka. Alangan naman na takot ka habang nakikipag-usap eh party pala ang rason mo. Takot ka sa party? Ang wrong di ba?

Lucky watever. Kung naniniwala ka dito ay gamitin mo na lahat ng alam mong swerte. Pwede ka rin maglagay ng something sa bulsa mo na pwede mong gawin na stress reliever. Nakakakuha kasi ng tension at takot kapag mag binubutingting ang kamay mo. Kung nasa loob ng bulsa man yan o nasa ilalim ng bulsa ay ikaw na rin ang bahalang pumili.

Don’t anticipate. Huwag kang magbigay ng rason kung di ka tinatanong. Halatang guilty ang mga ganong tao. Kaya kunyari cool ka lang. Walang nangyaring masama.

Stage presence. Kapag andiyan ka na sa moment mo. Feel confident. Dahil kapag pinanghinaan ka ng loob, lalabas ang nerbyos mo at mabubuko ka. Poise lang pero huwag lumakad ng pabalik balik. Tensionado ang mga ganun. Kung nangangatog ang tuhod mo ay mabuti rin na umupo ka para di halata. Tira tira! Aja! Go go go!

Pero ang pinakamabigat kong maipapayo sa’yo…

Huwag na lang. Huwag ka na lang magsinungaling. Dahil makalusot ka man ngayon, huli ka pa rin sa susunod. Masaya ka man ngayon, may masasaktan ka rin bukas makalawa. Nasalba ka man ngayon, mapapahamak ka rin nex time. Kaya’t huawag na lag. Huwag niyo nang hintayin na mangyari pa sa inyo ang nangyari sa’kin. Isipin niyo na lang ang karma at ang mga luhang dadaloy sa mata ni Papa Jesus.

Dahil sa putanginang kasinungalingang ‘yan, nasaktan ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Sorry Ma…

Di na mauulit…

Pero open pa naman ako para sa magpapakunsulta ng kasinungalingan nila. Sayang din naman ang talent.

Bwahahaha!!! (evil laugh)

Bwahahahaha!!!!!