Jhaynee

Archive for Pebrero, 2009|Monthly archive page

Bago

In Others on Pebrero 27, 2009 at 8:47 umaga

anong meron kay jhaynee?

bat hindi na napapadalaw sa mga bahay niyo?

bat’t hindi na nagpopost?

ba’t hindi nagkukwento ng cebu trip?

KASI….

may dalawang exam kanina…

may paper na ipapass sa wed…

may presentation sa friday…

may mga band practice…

maghahanda para sa report…

tatapusin ang isa pang paper…

at magkakasakit next weekend…

KAYA…

samahan niyo na lang akong lahat ngayon…

halina kayo…

 

MANALANGIN TAYO.

 

kaya ko to!!!

On a rainy day

In Others on Pebrero 13, 2009 at 8:32 hapon

The rain made a deafening sound as it falls on the roof. A loud roar of heaven’s grief, yet it was the same sound that my ears have always loved. Just like any other photograph, the rain never failed to make me recall memories that have ones lingered with freshness. 

Today, however, was a different case. It was with the rain that my doubts with the future came. When hesitation filled my mind and it conquered me whole. It was with every drop of water that fear suddenly came into me.

Then i realized, everything ahead of me after college was a path of uncertainty. 

It finally dawned into me that i will be leaving my confort zone some time soon. This very spot where I am at right now will no longer be with me to give me the same homey feel when I am in a jungle of harsh realities. Heck, I don’t even have concrete plans yet. I don’t know if I should go into public or private accounting. If i should go abroad or stay in the Philippines.

For the longest time since the past five years, I have repeatedly asked myself if I was really meant for this career. I never had an inclination nor did I have an interest in it so I had this huge fog inside my head blurring everything out. All these questions bugged me until I finally decided to stop thinking about it.

I’ll take one step at a time, and pray that God teaches me the right path.

 

 

Ganyan talaga kapag

nabasa ka sa ulan,

umuwi ka ng bahay,

walang tao, at

wala kang susi.

syet!

Updates muna…

In Others on Pebrero 13, 2009 at 6:52 hapon

isang mabilisang post para sa konting updates

1.  HAPPY VALENTINES DAY sa lahat. Walang bago sa 21 years of Valentines Day experinece ko. As usual, wala lang. 

2. POST MO, GRADE KO reporting is over. ang susunod kong task ay ang paggawa ng term paper about blogging. Ewan ko lang kung may mga magiging interested pa dito pero kung gusto niyo, if ever gusto niyo pa akong tulungan, pwede ko pa rin namang mahabol ang mga sagot niyo sa term paper ko. Salamat

3. PUPUNTA AKO SA CEBU!!!! for the very first time pupunta ako sa Cebu. may field trip kami sa financial accounting subject namin and I’m damn excited! I’ll be arriving there by wednesday.

Dinagyang 2009

In Others on Pebrero 11, 2009 at 4:08 hapon

Pasensya na kung ngayon ko lang napost ito…  

 
img_70241

Konting Background Muna

Para sa mga hindi familiar sa Dinagyang, ito ay isang event sa Iloilo na nagbabaliktanaw sa ating mga ninuno(oo, ita ang ninuno mo, magdeny ka pa jan!) at ang pagreporma ng aming probinsya patungo sa relihiyong Kristyanismo. Ang fiestang ito, bukod sa magandang pagkakitaan, ay para bigyang pugay at sambahin si Senor Santo Nino.

Iba po ang Dinagyang

Akala ng marami ang Dinagyang, Sinulog at Ati-atihan ay pare-parehong event lang na idinaraos sa iba’t ibang lugar. Akala mo lang wala! Pero meron! meron! meron!!!! Naguluhan ka, i know. Iba ang Dinagyang dahil Best Tourism Event ito sa boung Pilipinas. Bwahahahahahaha!!! Ang iba ay……… Tourism Events lang. Malaking difference na din yung Best di ba? Ang yabang ko.

Ang main event nito ay pacontest kung saan nangmumudmod ang lungsod pati na rin ang mga tatakbong politiko ng maraming pera. Ang mga tao naman ay audience lang talaga sa contest at hindi tulad ng ibang pagdiriwang kung saan active aprticipants ang mga pipol sa street dancing.

The Contest

May dalawang araw ng pagdiriwang ang Dinagyang. Ang unang araw ay tinatawag na Kasadyahan (Kaligayahan) Festival. Hindi gaanong mabagsik ang competition at performances sa araw na ‘to. Warm up lang kung baga. Ang performance sa unang araw ay parang reenaction ng pagdating ng mga mananakop at paglaganap ng Kristyanismo sa Iloilo. Iba’t ibang bayan sa Iloilo ang sumasali dito at isa itong oportunidad para maipakita nila ang mga yaman o produktong ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Ang mga bayan kasi dito ay may specialization at field of expertise sa isang produkto. May bayan na sikat para sa produktong kawayan, talangka, bandi at kung anu-ano pang halaman at kahayupan na masagana sa bayan nila. Kahayupan? Pwede na rin isali dito ang rape at murder kung ito ba ang masagana sa kanila eh. Pakialam natin.

Ang pangalawang araw naman ay ang tribe competition na sinasalihan ng mga public high schools dito sa Iloilo. Ito na ang pinakahilight  ng buong event ng Dinagyang. Dito na nagpapakitang gilas sa pagandahan ng choreography, props, music, at iba pang talento. Pero ang hindi alam ng karamihan , ang totoong criteria ng contest na ito ay paitiman ng singit at paliitan ng T-back. 

Common sights

Ito ang mga common na makikita mo sa araw ng Dinagyang…

1.Props at  costume na bonggang bongga   

img_69682   img_70051   img_70081   

img_7045   img_7140    img_7333   

2. Chikababes ng mga ita warriors

img_69671   img_72881  

img_7426   img_7467   

3. Child abuse

img_69881   img_72481   img_71952

4. Mga foreigner at artista – O! huwag ka nang umangal, masasaktan ka!

img_7371 img_7116

What happens next

1. Wanders of Asia – Pasensya at sobrang layo nila kaya’t malabo ang picture. Pero sobrang galing nila. Promise!

img_75002

2. Bonding ng pamilya

img_70801   img_7554   img_7516

2. Mamam  

img_71071   img_7098

 

Masaya talaga ang Dinagyang dito sa Iloilo. Hindi lang mababait mga tao dito, matiwasay at mapayapa pa ang event. Dalawang tao lang naman ang namatay eh. Safe na safe na yun. Hehehe. Pero huwag naman kayong matakot kasi namatay naman sila sa mga lugar na hindi kanais nais tambayan, at rare cases din naman ito. Wala namang nangingidnap ng turista dito. Kaya’t kung ako sa inyo, dumalaw na kayo dito next year dahil siguradong magugustohan niyo ito.

BLOGOSPERYO

In Others on Pebrero 9, 2009 at 5:21 hapon

blogosphereAng blogosperyo o blogosphere sa English (duh!) ay ang sikat na pangalan ng mundo ng blogging.

Dahil kung si Enteng at Faye ay may Enkantadia…

Si Shrek at Fiona at may Far Far Away…

Si Fred Flinstone ay may Bedrock…

At si Dagul ay may Going Bulilit…

Si Jhaynee at ang ibang mga adik ay may….

BLOGOSPERYO

Ano ba ang BLOG?

Ang sikat na salitang “blog” ay galing sa term na Web log. Ito ay isang online diary na may kakayahang mag-upload ng pictures, video at music na siguradong hindi kaya ng diary niyo nung kayo ay grade 5 pa lang. Ito ay pinamamahalaan ng isa o maraming tao na walang magawa sa buhay kundi ang magpa-tan gamit ang radiation ng PC monitor, magpa-pasmo sa pamamagitan ng sobrang pagtype, at maghasik sa lagim sa sanlibutan sa pamamagitan ng internet. Ang mga taong ito ay mas kilala sa tawag na “bloggers“.

Ang mga blog ang masisisi ng National Bookstore kung bakit humihina na ang bentahan ng mga diaries na may lock na usong uso nung elementary ako. Pero dahil nga sa mabilis na pagbago ng panahon, nagiging sosyal at high-tech na rin ang mga diaries. Password na ngayon ang proteksyon mo laban sa usisera mong nanay at mga kapatid. Jologs na rin ang mga nagkakakalyo ang kamay dahil arthritis sa fingers na ang uso ngayon.

Kaya’t itapon na yang mga journal at diary dahil alam naman ng kapatid mo kung saan mo itinago ang susi ng lock niyang hugis puso, magbukas na ng computer at gumawa ng blog. Sakay na!

Mga iba’t ibang uri ng blog

Maraming ale at mama na ang napagtanungan ko, naligaw na rin ako sa sandamakmak na websites para lang sa listahan ng mga uri ng blog pero iba-iba ang sagot sa bawat site. Depende siguro sa trip ng nagsusulat. Ewan. Mabuti na lang at napadpad ako sa bahay ni Jaypee na may roong lisatahan ng mga nanalo sa Philippine Blog Awards 2008, isang prestihiyosong patimpalak para sa mga magagaling ng bloggers ng Pinas. Dahil naniniwala naman ako sa kredibilidad ng contest na ito, dito ko na ibabatay ang mga uri ng blog na namamayagpag dito sa blogosperyo. Ito ay ang:

Saan pwedeng gumawa ng blog? Sa WORDPRESS!

Dahil “in” na nga ang blogging ngayon, maraming tao na rin ang naeengganyong magkaroon ng blog. Nagkalat na rin sa iba’t ibang community sites ang blogs. Nagkakaroon na rin ng blog feature ang Friendster at Multiply ng dahil sa pagsikat nito.  Ang pagpili ng blog site ay depende sa mga pangangailangan ng isang blogger.

1. Gusto mo bang maging anonymous?

Halos lahat ng mga blogger dito sa blogosperyo ang nagiging sikat sa kanilang alyas at hindi sa totoong pangalan. Kung ikaw ay isang blogger na gustong panatilihin ang iyong secret identity dahil mas trip mo ang magsambulat ng iyong mga krimen at sexcapades dito sa blogosperyo, pwes mas bagay sa’yo ang  maghanap ng sites or hosts na para lang talaga sa blogging. Mas madali nga talaga magsulat ng mga entries kapag hindi ka kilala ng audience mo at wala kang pakialam sa mga sasabihin nila. Pero kung mas gusto mong alam ng mga BFF mo ang lahat ng mga kakulitan, kababuyan at ka-emohan mo, pwes mas maganda kung sa Friendster ka na lang dahil may notice pang ipinapadala sa bawat pagpublish mo ng entry.

2. Bakit mas angat ang WordPress sa ibang free blog sites?

Hindi ko na talaga kayo binigyan ng option na iba.  Dati akong blogger ng Friendster at Blogspot at pangatlong bahay ko na itong WordPress blog ko. Nasubukan ko na rin ang gumawa ng blog sa LiveJournal. Batay sa karanasan ng isang NPA na kagaya ko na palipat-lipat, masasabi kong mas masaya dito sa WordPress.

Ang higit na nagpapasaya sa WordPress community ay ang mga blog statistics. Ang makita kung ilan ang view sa blog mo sa isang araw, kung anu-ano ang mga tinatype ng mga tao sa search engine para makapunta sa site mo, ang makita ang pangalan mo sa fastest growing blogs ng WP, at marami pang ibang saya na dulo’t ng blog statistics.

3. May pera ka ba?

Kapag may pera kay pambayad ng annual payment ay mas mabuti rin kapag bumili ka na lang at magpamanage ng sarili mong “dotcom”. Mas controlado mo kasi ang iyong blog kapag ito ay binabayaraan mo na at pinagkakagastahan taon-taon. Mas malalagyan mo ng mga design at pakulo depende sa gusto mo at sa mga

Sinu-sino ang mga nasa blogosperyo?

Ito ang mga taong nakilala ko ng dahil sa hiwaga ng blogosperyo. (see Blogroll)

Post Mo, Grade Ko Project

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga bloggers na tumulong sa akin at hindi nag-atubiling magbahagi ng kanilang oras para lang sagutan ang aking survey para sa kapitag-pitagang lecture na ito. Na-antig niyo ng bonggang bongga ang aking puso dahil sa munting tulong na ito. Sana balang araw ay makatulong din ako sa inyo kahit papano. Sa muli, maraming salamat kina:

para sa makukulit na comments sa aking post tungkol dito sa report na ito at kaagad na rumesbak sa aking pangangailangan. Salamat rin kina:

Para sa munting effort na magpublish ng post para sa aking munting hiling dahil sinubukan niyong humabol sa mga aking report. Salamat ng marami. Higit sa lahat, hindi ko makakalimutan ever si:

UTOY

dahil siya ang kauna-unahang nilalang na nagtiyagang magpost ng pagkahaba-haba para lang sa project na ito. Siya rin ang dahilan ng pagdami ng mga nagbibisita dito sa site ko at nadadagdagan na rin ang comments ko ng dahil sa kanyang pag-advertise ng project kong ito. Marami nga talaga sigurong fans si Utoy at pati mga ito ay nauuto naiimpluwensyahan niya na ring dumalaw dito sa bahay ko.

**************************

this blog is sucject to changes

**************************