Jhaynee

Archive for Hunyo, 2008|Monthly archive page

Idaan na lang natin sa tawa

In Others on Hunyo 28, 2008 at 3:29 umaga

First day of school kahapon… matapos ang holidays ng dahil dumating si Frank. Sobrang celebrity ampootah! Wala agad pasok ang lahat ng paaralan pagdating niya. Siyempre hot issue ang mga nangyari ng dahil sa bagyo.

Lahat ng tao sa skul nagtatanungan kung kamusta na ang bahay ng isa’t isa. Kunyari magkabarkada ang mga bahay naming lahat na nagpapatanong ang isa kung kamusta na ang isa. Mga tanong na kunyari may halong pagka-miss. Kapag hindi nabahaan at nauga ang bahay na tulad ko, ngiting abot tenga at super talon with matching sigaw na “Ok lang kami!! Hindi kami binaha!! Yahoo!!”. Kapag binaha ang bahay na abot bewang, ngiti ng konti at nagsasabing “Ok lang. Hindi masyadong malalim ang baha sa amin”. Kung abot kisame na baha, ismirk na lang kasi “buti na lang may second floor kami” o ‘di kaya umiiyak at full drama ang “buti na lang buhay kaming lahat”.

Tatlong teachers ko ang umakyat sa bubong. ‘Yung isa, nasa bahay ng kapatid niya na may dalawang maliliit na bata at isa sa mga batang ‘yun ay 10 months old. Awang-awa siya sa 10 months old na baby dahil nanginginig sa lamig habang nasa taas sila ng bubong. Takot na takot ang nanay niya na baka mamatay sa lamig ang bata, at nanginginig ang boses nito na nagsabing “nangingitim na ang baby!”… pero dahil lang naman pala ‘yun sa putik. Pooteek! Ang dumi oh!

Hindi ko rin inakala na ang heavy make-up, heavy jewelry, sexy clothes, at late 40’s or early 50’s kong teacher ay napaakyat rin sa bubong. ‘Nung nabalitaan ko nga eh na-imagine ko pang nakaporma pa siyang ganun habang takot na takot na tumatambay sa bubong nila, at dahil giniginaw siya sa mga oras na ‘yun, may fur coat siya at may transparent umbrella. Kewl!

‘Yung isang teacher naman, ‘yun ang source of strength naming lahat. Habang nasa bubong siya, naglet go na rin siya sa lahat ng material na bagay na nasa bahay nila. Feeling ko nga habang nasa bubong si Ma’am, nagpaplano na siya kung pano siya babawi at magpapayaman uli after ng baha. Nag-iisip na rin siguro ng prospect clients sa firm nila. Positive thinking.

Ang ate ng kakilala ko, nakainom pa ng tubig baha dahil nahulog mula sa loob ng bahay nila nung umapak sa bubong. Parang nasa sine lang na nahuhulog ang tao dahil sa marupok na bubong pero nangyayari pala sa totoong buhay. Good side: tubig ang nahulagan niya kaya’t hindi gaano ang impact. Bad side: sementeryo lang naman ang nasa likod ng bahay nila. Masusuka-suka siguro ‘yun hanggang ngayon.

Habang nasa taas ng bahay nila ang isang pamilya, para silang nakasakay sa malaking salbabida na nagpapaanod sa baha. Sa lakas ng agos ng tubig ay nagtatravel na rin ang mga bahay. Parang may command lang na, “pare, di ka bagay sa loteng ito. Dun ka muna sa kabilang lote kasi mas malawak dun.” Sumusunod din ang bahay at nagpadala rin sa agos hanggang sa mapadpad sa kung saan.

Kung mejo marupok pa ang buong bahay ay kaya ring erase-in ng baha ang bahay sa location. “Ampanget ng arkitektyur mo, ayoko sa’yo! Erase!” at ayon nga’t wala na agad ang bahay mo.

Parang mga damit na nakasampay ang mga patay na tao nung nawala ang baha. Merong nasa gate, nakakapit sa poste at kung saan saan pa. Mga sasakyan na nakahiga sa daan. Inantok siguro bigla kaya’t nakatulog habang bumabyahe. Ang ibang mejo grabe ang antok ay sobrang nakatihaya talaga. Mga tulay na nasira at mga posteng natumba. Mga bahay na walang bubong, walang dingding o wala na talaga. Perfect ngayon ang Iloilo para sa shooting ng isang movie. Kung kailangan nila ng chaos ay hindi kailangan pag-effortan ang set. Eto at napakanatural ng lahat. Reading ready na. Dapat iparent na ng mga mayor ang towns nila. Sayang din ang pera’t pwede pang itulong sa ibang nahihirapan.

Kaso hindi pala sila makakapag-operate dahil maraming bayan pa dito ang brownout pa rin. Sa susunod na bwan pa raw babalik ang kuryente. Nagbakasyon daw sa malayo at nastranded dahil sa pinsala ng bagyo eh di makapagtravel. Siguro kasama sa Sulpicio kaya nirerescue pa sa ngayon si mareng electricity.

Entrepreneurship comes in times of needs ika nga. Dahil sa bagyo, 100-200 ang kilo ng bigas. 3 for 100 ang kandila. 100 per phone ang charging. Astig din naman talaga ang mga pinoy. Sa halip na tumulong eh pinahirapan pa lalo ang iba. May iba nga na nakikirasyon pa sa relief goods para sa biktima kahit hindi naman nabahaan. Meron din namang dumadami ang pera ng dahil sa scrap. Marami ang makikita at mabebenta ngayon. Sa bubong pa lang na nagkanda lipad lipad eh ilang kilo na rin ‘yun. May employment opportunities din ng dahil sa kalamidad. Marami ang naghahanap ng labandera sa mga maputik na damit at taga-pala ng maputik na sahig. Para ngang snow na brown ang pinapala dito.

Pero kahit papano ay nakatipid na rin sa pulbos ang mga tao dito. Dahil sa mga natuyong putik ay nagiging free powder na ang bawat pagsakay sa jeep. Kung mas malayu-layo pa ang pupuntahan mo ay foundation na talaga ang makukuha mo. O di ba’t lipstick na lang ang kulang mo?

Masaya ang usapan namin tungkol kay Frank. Kunyari malaking joke lang siya at panaginip lang ang nangyari. Kahit mga grabeng sitwasyon tinatawanan namin. Alangan namang mag-iyakan kami dun eh wala na rin namang magagawa mga luha namin. Hindi mababayaran ng luha ang 800million na damage niya.

Selfish ‘yang si Frank. Basta’t makadaan lang siya ay okey na siya. Hindi niya iniisip ang trabaho at hanap-buhay ng mga madaanan niya. Hindi rin niya iniisip ang social status. Not considered ang age, size, height, skin color, race, beauty, love life, sex life at kung anu-ano pang eklavush na pwedeng iconsider. Siguro tinatry din niyang iconsider (benefit od the doubt na mabait siya), pero sa huli ay dumugo ang ilong niya sa dami ng dapat isipin, isolve na probability at ianalyze ang mga results ng statistics niya. Kaya’t ayun, dumaan na lang bigla.

Hala bira Iloilo sulong sa pagbag-o
(Hala bira Iloilo sulong sa pagbabago)
Hala bira Iloilo ang matahum nga banwa ko
(Hala bira Iloilo ang magandang bayan ko)
Sa tanan nga tinion ikaw ang palanggaon!
(Sa lahat ng panahon ikaw ay mamahalin)

Theme song ‘yan ng Iloilo at maririnig tuwing Dinagyang festival. Masayang kanta at mabilis ang beat. Babalik din sa dating niyang sigla ang probinsiya namin. Unti-unting makakarecover din ang lahat.

USWAG ILOILO!!!

Bakit Ka Nag-aaral?

In Others on Hunyo 25, 2008 at 12:36 umaga

Para magkaroon ng marangyang buhay balang araw?
Para mapaligaya ang mga magulang mo?
Para mapakain ang buong angkan mo?
Para mapaaral ang mga kapatid mo?
Ano pa bang nakalimutan ko?

P’wes magkaiba tayo ng pananaw. Hindi ko alam kung merong ibang tao na kagaya ko ang rason. Pero kung meron man ay sana magpost siya ng comment dito para i dont feel alone. Hehehe.

BS Extra-Curricular Activities Major in JPIA ang course ko. Minor in Accounting. Minsan nga naiinis na ako sa accounting subjects ko kasi nakakasagabal na sa mga “major” activities ko. May mga panahong napapabayaan ko na ang mga mas importanteng bagay dahil may mga exam ako sa accounting na sobra magpadugo ng ilong. Azar!

Nakow! ‘Wag na ‘wag mong ibabanggit to sa mama ko dahil papatayin ako ‘nun. Baka hampasin ako walang katapusan at ihagis lahat ng damit ko palabas ng bahay namin. Kaya’t maawa ka.

Born to perform ako, kala mo!!!

Bata pa lang ako ay umaakyat na ako sa mesa at may hawak na dede para kumanta at sumayaw. Parang uto-uto na super sunod sa utos ng lahat. Aliwan ako ng mga matatanda sa barangay namin noon.

Naglilider-lideran pa ako sa mga sayawan sa skul. Naalala ko nung grade1, ako ang lider sa mga babaeng kamukha ni Jasmine sa Aladdin. Todo giling ako sa Arabian Nights na tugtog. Halatadong malandi na sa murang edad. Hehehe.

Nung grade2 naman ako eh ako ang nagtuturo ng sayaw sa mga klasmeyts ko tuwing may Friday presentation at may impromptu contests sa clasrum. *ahem ahem* Nananalo *ahem ahem* kami *ahem ahem* parati *ahem ahem*. Sino pa ang hindi madadala sa mga moves namin na walang katapusan ang kembot at talon sa “you gotta lick it.. lalalalala..”

Naging declaimer din ako dati. May role pa nga ako na abnormal. Sobrang bagay ang character sa akin. Natural na natural ang pagganap ko kaso nga lang natalo ako. Akala siguro nila galing akong Slow Learners na section. Sa sobrang natural ata eh naconvince ko na talaga sila na ako ang abnormal at hindi ‘yung karakter. Tanginang trainer ‘yun ah! Sabi niya “be one with the character” sobrang “one” na nga kami nung abnormal eh talo pa rin ako?! Pero meron pa kasing ibang characters na nakalimutan kung i-“be one”, nakafocus siguro ako sa abnormal. Hehehe.

Nung high school naman ay todo hataw din ako sa PE classes lalo na’t ballroom. Nagkakaroon ako ng grade na 98 dahil sa magagandang intro at swabeng indak. Napakinabangan ko rin ang boses ko dahil sumali ako sa choir para lang maexempt sa PE at hindi makapaglaro ng absketball. Kaya’t hanggang ngayon ay hindi ako natututo.

Sayang nga lang at maliliit lang ang school na pinasukan ko. Hindi kami masyadong nakikisali sa mga interschool contests sa mga ganyang bagay. Mas pinagtutuunan ng pansin ang academics kaya’t sa mga quizbee na lang parati sumasali ang estudyante. Screwed up lang mga priorities nila kaya di ako ng shine. SCREWED UP!!!

Pero iba pala pag-college ka na. Dito ko naranasan ang sangkatutak na kasiyahan na dulot ng entablado. Lahat na ata ng events sa school na kaya kong salihan eh sinasalihan ko. Lahat ng iniisip mo sinalihan ko except lang sa may kinalaman sa literature at debate. Uhmmmmm…

Music? Modern dance, creative modern dance (magkaiba ‘yun ah bigyan natin ng credit yun), ballroom, dance sport?, vocal solo, vocal duet, a capella, gitara. Kahit nga sa klase ay minsang napasubo na rin ako sa kantahan. Eeeeww! Kaazar iremember. Hehehe.

Arts? La Puchak (painting), sketches at mga guhit guhit akala ng iba ay scribble ng kapatid kong bunso. Mga bobo sa art, abstract yun! abstract!!!

Theater? Di mo naitatanong, actress yata ako. Isa ako sa mga stars sa isang play sa school. ‘Yung role ko pa, kasing saya ng mga role ni Eugene Eugenio. At naging extra na rin ako sa iisa pang play. Mataas na karangalan na ‘yun para sa’kin. Ikaw ba naging extra sa play?! Hmp! Itsura nito.

Sports? Scions volleyball player itech. Di nga lang kami masyadong nananalo pero okay na rin ang may venue sa exercise. Kahit papano ay mapagpawisan man lang at makabawas sa bilbil.

Modeling? *ahem ahem* tayo jan. Dito talaga aamin ako na chamba lang ang lahat at wala lang talaga silang choice kundi ang kunin ako. Hehehe. Parang may contest kasi ng shirt modeling at kulang kami ng models kaya napasalang ako sa walkaton na ‘yun. O at least di ba, kahit papano naman eh napadpad ako sa alay lakad na ‘yun.

Leasership? Aba’y jan tayo panalo. Kung naaalala mo sa taas eh major ko ang JPIA. Isanh organisasyon ng mga estudyanteng kumukuha ng Accountancy. 3 years lang naman akong of service sa organization at sa huling taon ko ay naging president ako nito. At sa tatlong taon ko nga rito ay nananalo ang org namin ng Best Organization in UPV. At ngayon, level up ako papunta sa Iloilo federation. Dun naman ako maghahasik ng lagim at kaadikan kong walang hanggan. Pero sa lahat ng extra, dito ko lang nararamdaman na magaling ako. Na parang may kabuluhan ang lahat ng ginagawa ko. Dito lang ako feeling important.

Oo. Nag-eenroll ako ng 18 -21 units bawat semester sa apat na taon para sa extra-curricular activities. Ito ang mga bagay na nagpapatibay ng loob ko kahit na gaano kahirap ang putanginang retention policy. Ito ang mga nagpapakapit sa’kin sa kursong ni hindi ko rin naman ginusto. Para sa’kin ay ito na ang magbibigay ng dahilan para maexcite akong pumasok araw araw.

Tapos magtatanong ka na sa kahaba-haba ng limang taon na dapat kong istay sa UP ay nasaan na ang kwento ng academics ko?

Wala.

Ayoko magkwento.,,

Dahil hindi naman ‘yun ang nagbibigay kulay sa UP life ko. Minor lang naman ‘yun. Hindi rin naman ‘yun ang purpose ko dito sa unibersidad.

Kaya’t sa susunod na post na lang.

Happy Trip

In Others on Hunyo 18, 2008 at 4:33 umaga

Nakita ko sa news ang libing ni Da Boy. Lahat nagluluksa, pati nga si Manang Belen na katulong namin nalulungkot. Maraming tao ang pumunta at sangkatutak na artista ang andun. Napapaisip tuloy ako kung kaclose nga ba niya talaga ang mga ‘yun o nagpapapicture lang ang mga yun para sa publicity. Ewan ko. Namangha lang naman kasi ako sa isang part kung saan nagbibigayan ng testimonies ang mga tao tungkol sa kanya. Dahil inggiterang natural ako, naisip ko rin na gusto ng ganun sa libing ko.

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw talaga pag-usapan ng mga tao ang tungkol sa kamatayan. Para bang lahat ng nakakausap ko tungkol dun, pinaninindiganng balahibo. Pilit nilang iniiba ang usapan. Bakit? Kapag pinag-usapan ba ang kamatayan eh mamamatay na rin ang mga taong nag-uusap tungkol dito? Isa lang naman to sa mga natural na nangyayari sa buhay ng isang tao. At kahit anong iwas natin ay mangyayari parin yun sa takdang panahon… Kahit hindi pa natin pag-usapan.

Simula nung bata ako, may mga idea na ako kung ano ang mga gusto kong mangyari pagnamatay ako. Pero never kong nasabi to sa ibang tao. Naalala ko kasi na nagkwento ako tungkol dito sa lola ko. Abay bigla ba naman akong sinampal sa murang edad kong yun! Kaya ayon, di ko na inulit kasi baka kung sa ibang tao eh masampal rin ako.

Ito ang mga gusto kong mangyari…

1. Dapat colorful ang kabaong ko (ito ang sinabi ko kay Mommy na sinampal ako). Syempre babalik na ako sa piling ni Papa Jesus kaya dapat maganda ang packaging. Parang regalong binalot sa makinang na karton. Pwede ding blue na lang yung color scheme, favorite color ko naman yun eh.

2. Ayoko ng white dress. Gusto ko para akong nagpprom. Kung matanda na ako eh di para akong magboballroom dancing. Total mahilig naman akong sumayaw. Basta’t ayaw na ayaw ko na para akong typical bangkay. Dapat porma to the max pa rin.

3. Ayoko magpamake-up sa parlor ng mga patay. Patay ka na, pinagmumukha ka pang patay. Gusto ko, kapag namatay ako, ala Ma’am Gumban ang make up ko. Bonggang bongga na parang may formal event ako na pupuntahan at ako ang star of the night.

4. Neyver.. as in NEEEYVERRRR.. nyo akong kunan ng picture na nasa kabaong ako. Ewan ko ba sa mga Pinoy bakit ang hilig hilig magpicture ng mga patay. Nilalagay pa sa album. Mas gugustuhin ko na maalala niyo ang mukha kong may mga ngiti at drama kesa sa mukhang papuntang huling hantungan. Umaasa naman ako na kahit papano eh nakatatak din naman sa mga puso ng mga tao ang maganda kong mukha.

5. Ayoko ng may magsusugal sa lamay ko. Halatang may patay kung ganun. Gusto ko na parang araw araw lang may party sa bahay namin. Kunyari last birthday ko na at gustong i-celebrate ng buong bayan. Dahil sikat ako, at sikat ang pamilya ko at maraming tao ang kunwaring nagmamahal sa kin.

6. Dapat lahat ng aatend sa libing ko maglalakad. Oo! Ayoko ng mga sumasakay ng jeep. Dapat sa huling araw ko, ako lang ang reyna at ako lang ang may service. Kung ayaw nilang umatend dahil ‘dun, aba’y magkaalaman na kung sino ang totoong nagmamahal sa’kin. Mga walang hiya kayo! ‘Wag na ‘wag kayong makikisalo sa handaan ng hindi nagsasakripisyo sa paglalakad! Multohin ko pa kayo jan eh.

7. Hindi pala maglalakad ang mga tao papauntang libingan ko, magsistreet dancing sila. Siyempre kukuha si mama ng choreographer para lang pare-pareho ang indak ng lahat sa tugtog na “i saw the sign.. and it opened up my eyes i saw the sign..” (may sentimental value kasi sa akin ang kanta). Marami pang kanta ang pagpapraktisan nila, dahil ayoko naman ng paulit-ulit, pero lahat ng kanta dapat disco o club mix.

8. Walang magsusuot ng puti o itim sa libing ko. Gusto ko may kulay. Depende na sa mga mag-oorganize kung ano ang motiff ng libing ko. Basta ayoko ng puti at itim. Wala ring magsusuot ng black na pin sa dibdib. Nakakasira japorms yun. Kawawa naman ang guests ko.

9. Gusto ko na habang nasa reception na ang lahat ay may slide presentation ng naging buhay ko. Ipapakita sa lahat ng tao kung gaano ako naging masaya sa mundong ibabaw. Dapat maikalat ang kwento ko. Baka sakaling madiscover na may kabaitan pala ako, gawin pa akong bayani o santo. Better late than never ano!

10. Pagkatapos ng slide presentation ay magbibigay ng testimonies mga pamilya at kamag-anak at kaibigan at katrabaho at kaaway at kung sinu-sino pang feel lang magbigay ng testimony. Dapat puro ako lang muna ang topic sa room. Walang ibang pagkukwentuhan kundi buhay ko. Nacucurious kasi ako kung ano ang tingin sa’kin ng ibang tao. Kung ano ang epekto ko sa mga buhay nila at kung ano ang turing nila sa akin.

Pagkatapos ng lahat ng ‘to ay hindi mararamdaman ng lahat na patay pala ang pinuntahan nila. Para lang birthday na mali ang date, debut na sobrang naurong, pagpugay na wala namang rason, reunion na maraming alaala na muling ibabalik. Gusto ko na ang maalala ng tao sa akin ay kung gaano kalakas ang mga naging halakhak ko. Gusto ko na maging masaya ang lahat sa pagpanaw ko dahil babalik na ako sa tunay kong anyo – isang anghel. Kahit na nagtataka din ako kung marami nga ang dadalo at makikiiyak sa pagkawala ko, gusto ko pa rin na sa bandang huli ay maiinggit sila sa’kin dahil may mansyon na ako at sobrang maginhawang buhay sa langit.

At ang last pahabol sa mga gusto ko, sana habang binababa na ang kabaong ko sa hukay, bumulong sila ng “HAPPY TRIP, Shayne

Kakatinding balahibo!!! Hahaha…

I Love You PIOLO!!!

In Others on Hunyo 17, 2008 at 10:12 umaga

Hindi ako mahilig sa showbiz. Late nga rin ako kung makarining ng kung anek anek na balita sa mga buhay ng mga artista. Tangina nila hindi naman sila ang mga solusyon sa problema ko. Kaya bakit pa? Wala silang maidudulot sa akin na mabuti.

Pero iba ‘tong si Piolo kasi tuwing nakikita ko siya, may naaalala akong tao na OA ang fighting spirit para ipagkalat na magkamukha sila. Hanggang PIOLOng mejia lang naman siya actually. bwahahahaha!!! Kaazar kasi si Piolo Pascual of Lobo ang pinagtritripan. Eh actually si Laika naman ang kamukha niya. Ang transformed lobo version ni Laika nga lang.. Wahahaha!

YAN ANG PAPA KO!!!

Kahit matanda na eh hindi parin nagragrasp ang concept ng attainable goals at reachable stars. Kaya ako, hindi na nagtataka kung minsang kakitaan din ako ng sobrang lakas na epekto ng fighting spirit eh. Alam na alam kong sa kanya ko namana ‘yun. Minsang nagpaprint kami ng pictures sa isang malapit na photo studio, nagscan kami ng pictures habang inaasikaso ni Mama ang dapat bayaran, aba’y bigla ba namang humirit ng “Daw si Piolo gd ko di ya hu.. Ipaprint ko ni..” (Parang si Piolo talaga ako dito.. Ipapaprint ko to…) Napatingin pa tuloy ang babae na nasa estante at napatitig sa kanya. Ang compirmasyon: natawa lang at umiling iling. Ganyan siya katinding bumanat, public place ang venue para nga naman maraming audience.

Walang kasing kulit yan lalong lalo na kung nakainom. Kapag nakakaramdam na kaming magkakapatid na papasok na si Papa at naka-inom, isa isa na kaming papasok sa kwarto at kunyaring natutulog o di kaya’y nag-aaral. Hoy! Hindi nambubugbog Papa ko ha. Masyado lang kasing makulit kaya minsan mas mainam na na iwasan. Ganito kasi siya pagnaka-inom

Incident No. 1: Sign Langguage

Parang siga yan na papasok sa bahay. Tapos ituturo ka. Ituturo ang mesang madumi. Aarte na parang naglilinis. Ituturo ang lababo. Sisigaw na “Go!”. Nagets mo ba kung ano ibig nyang sabihin? Parang game show pa na may go signal. Super hate ko pa naman maghugas kasi nandidiri ako sa leftovers. Hindi sa arte pero parang tumatayo talaga balahibo ko.

Incident No. 2: English

Eto ang masayang parte ng kalasingan ni Papa. Nag-uusap kami in English at ang madalas na topic namin ay love life. Ewan ko ba pero gustong gusto niyang pinag-uusapan ‘yun. Doon lang kasi siguro siya may words of wisdom para sa’kin. Wala rin naman siyang maitutulong sa academics ko.

Papa: Nene, do you have a boyfriend?
Ako: No. I’m so busy with a lot of things I can’t afford to have one..
Papa: Why? They are how much?
Ako: Huh?
Papa: That’s very good. So you remember ha. Aaaahhh. Don’t boyfriend boyfriend yet because…. How will you buy me brand new car? How will you treat us to Hong Kong? How will you renovate our house? We need second floor. The allowance of your sisters? The utang of your Mama? The medicine of your Mommy and Daddy?
Ako: Hehehe… (yawn) Goodnight Pa.. I have a 7am class tomorrow (Saturday next day)
Papa: Goodnight. I love you
Ako: Love you too

Ampota!!! Ganun ba ang obligasyon ng mga anak na nakakagraduate? parang ayaw ko na muna grumaduate ah. Kakatakot naman ‘yun. Sinabi ko ba na bubuhayin ko silang lahat? Dami namang demands!

Incident No. 3: Pervert

Nasa terrace kami ni mama at nag-uusap. Papasok si Papa sa kwarto sa kwarto para magbihis. Bigla siyang babalik sa labas ng bahay. “Ma, asan ang green kong shorts?”. Anong mali dun? Nakabrief at t-shirt lang kasi nung lumabas! Di ko gets kung feeling macho dancer o feeling baby eh. Pinalo pa ni Mama at sabay silang pumasok. Nagkulitan pa at nagkilitian. Amf! Tapos minsan ding nanonood kami ng tv sa sala. Ang ganda ng kwento nakakaiyak tyaka syempre ang ending romantic. Abay, nakisabay ba naman ang ama ko at nilapa rin si Mama ng lips to lips. Mga 2 seconds lang naman. Di gaanong matagal. Nagulat lang kaming lahat sa sobrang pagkacarried away niya.

Pero sa araw araw na normal ang pag-iisip ng Papa ko, isang siyang uber cool na tatay. Noon, tuwing hapon after school, nagmamadali akong umuwi kasi may guitar lessons kami. Siya lang ang nagturo sa akin na maggitara. At kapag mejo namamaga na ang fingers ko, siya naman ang hahataw at todo jamming kami sa terrace. Maraming bagay siyang naturo sa akin. At kung hindi man yun lahat tungkol sa academics, tungkol naman to sa buhay-at yun ang mas importante. Tinuruan niya akong lumangoy at the age of 7. Floating, dog style, backstroke, etc. Tiruan niya rin akong magbike at nung mas tumanda na eh tinuruan niya naman akong magdrive. May mga beses pa na magkagalit kaming umuwi sa bahay dahil naiinis na siyang magturo sa akin at nagalit din ako sa kakasigaw niya. “Bahar! Bahar! Bahar!” Drive lang ako ng drive na parang di ko siya naririnig. E di ko kasi naiintindihan kung ano ang sinasabi niya! Kaya hininto ko na lang ang kotse at nagpalit kami ng puwesto. Tahimik kaming umuwi ng bahay at bumaba ng walang pansinan. Lahat ng alam niya gusto niya ituro sa’kin. Kahit man lang daw ito, mamana ko sa kanya.

Sa maraming beses ng buhay ko, wala ang Papa ko sa tabi ko. Seaman kasi siya. Kaya ako minsan naiinggit sa mga batang sinusundo ng mga tatay nila. Ang Papa ko kasi kelangan pang umalis ng bansa para lang may pantustos sa amin. Pero kung ako ang tatanungin ko, hindi seaman ang trabaho ng tatay ko. Bakasyonista siya. Magtatrabaho siya ng 8 or 9 months tapos tatambay siya dito ng 1 or 2 years. Kaming pamilya niya ang trabaho niya. Nagbabakasyon lang siya sa barko. Alam ko naman na grabe ang pagtitiis niya dun. Di na nga sana siya babalik dun kung hindi lang kami naghihirap dito at nagpaparami ng utang. Sinubukan niya ring magnegosyo dito pero hindi naman kumita ng malaki ang karenderya. Kaya’t napilitan siya magtiis ulit. Napilititang magsakripisyo na hindi kami makasama at mabantayan.

Pasaway kasi kaming mga anak. Gabi na kung umuuwi. Pinapasakit ang ulo ni mama dahil nagboboypren ng wala sa oras. Mga sinungaling pa. Kaya’t mas gusto niya na siya ang magdisiplina sa amin. Sa bagay, kung siya na nga ang nagsasalita, takot na kaming tatlo. Pero alam niya rin naman kung paano kami dalhin. Kapag galit na galit na nga siya, nagpepray na lang siya kay Papa Jesus na pakalmahin daw siya kapag nakausap na niya kami dahil kung hindi ay baka mabugbog niya kami. Buti na lang pinakikinggan naman siya agad. Emergency kasi.

Kaya’t uber love ko din tong Papa ko. At di ko na kelangen ubusin ang space dito para lang masabi kung bakit. Kasi kung naghahanap ka pa ng maraming rason, malamang hindi mo mahal ang tatay mo. Pwes di tayo relate.

Kahit anong mangyari, isisgaw ko na

“I LOVE YOU PIOLO!!!”

Happy father’s day Pa. Love you

Dear Bunso,

In Others on Hunyo 14, 2008 at 4:02 umaga

oo na… aaminin ko na na ikaw ang pinakamaganda sa ating tatlo.. bastos kang bata ka.. naturingan pa naman tayong magkamukha nung baby ka, tapos mang-aagaw ka lang pala ng spot light paglaki mo.. traitor!! ayheychu!! huhuhu.. pinagmamasdan ka namin ni Inday nung natutulog ka.. sabi namin gaga ka kasi ang ganda mo.. pasensiya ka na at inggitera ang mga ate na napunta sa iyo.. bleh!!!

nagtataka ka siguro kung bakit parang galit na galit kami sayo.. ikaw ang buntunan ng lahat ng batok at galit sa bahay.. ganyan talaga ang bunso Shai kaya belat mo.. hehehe..

ikaw kasi!! ang laki laki mo na asal baby ka pa rin.. ni hindi mo nga matama ang construction ng sentences mo.. tapos kapag kinagagalitan ka, deadma to the max ka lang tyaka walk out ang drama mo.. wala ka bang narinig ni isa? ayan tuloy batok ang ending mo.. ang hilig hilig mo pa magpakabida sa lahat ng oras.. kapag pinagagalitan kami, huwag ka na kasing sumabat na good girl ka.. sipain kita diyan eh.. tapos nang-uubos ka pa ng ulam na kala mo kaw lang ang lumalamon sa bahay na to.. sinasalba mo lang sarili mo eh.. kaya ka nasisigawan..

pero masama ba kaming ate kung ginugusto namin na mapabuti ka? wag ka na lang kasi tigas ulo.. kasi lahat naman ng kinagagalitan sa’yo para lang naman na maging isa kang mabuting tao paglaki mo.. tao na maipagmamalaki ng angkan natin..

hindi mo lang kasi alam na proud rin naman kaming mga ate mo sa’yo.. habang nagpapanggap ka na lider-lideran sa lahat ng mga playmates mo tuwing hapon, nasasabi namin ni inday na siguro ay magiging magaling na lider ka rin paglaki mo.. di ba ikaw rin ang nag-“organize” ng christmas party ng barkada niyo last year? san mo ba kasi nakukuha yang mga idea mo? napapagastos pa tuloy si mama ng wala sa oras para lang mapalamon ang mga kapitbahay natin.. ang hilig mo pa maglaro na teacher-teacheran sa math at english, dumudugo na tuloy ang mga ilong nila..

sa maraming bagay, tayong dalawa ang marami ang pagkakapareho.. hindi lang sa itsura kundi pati sa ugali.. pareho kasi tayong mahiyain.. tulad mo, ayoko ring sumali sa mga dancing at singing ek ek noon.. pareho rin tayong tamad sa bahay at halos walang pakialam sa nangyayari sa mundo.. basta’t nandiyan ang tv at cartoons ay solve na tayong dalawa.. ganyang ganyan din ako noon.. sa maraming paraan ay naaalala ko ang sarili ko sa’yo.. kaya kita kinagagalitan parati dahil alam ko na ang liko ng bituka mo.. kaya’t iniisip mo pa lang, buking ka na.. mukha ka lang inosente pero di lang nila alam na sa grupo mo, ikaw din ang evil mastermind.. oo.. alam ko yun..

sa susunod pang taon ay teenager ka na.. marami nang exciting chuvaness ang mangyayari sa buhay mo.. magiging malandi ka na at matututo ka nang pumorma ng maayos.. magmamadali ka ring tumanda gaya ng lahat ng mga bata.. mag-uumpisa ka na ring magtago ng sarili mong sikreto at mapapadpad ka na rin sa mga mall na mga kaibigan mo lang ang kasama mo…

pero hindi ko na siguro maaabutan ang pagdadalaga mo.. ang first secret boyfriend mo at ang mga crushes at admirer mo na babaha at the age of 15.. sa mga panahong yun ay marahil nasa Manila na ako, nagtatrabaho para matulongan si Mamang mabayaran ang sandamakmak nating mga utang..

wala na si Nene para bigyan ka ng payo tulad ng ginagawa niya kay Inday.. pero sinisigurado ko sayo na naging mabuti akong ate sa kanya.. kahit sinasampal sampal ko lang yan eh minahal ko rin naman yan ng todo todo.. (i’m sounding like a sadista ate na) kaya alam ko rin na magiging mabuti siyang ate sa’yo.. ibibigay niya rin ang mga payo na dati’y ako lang ang nagbibigay sa kanya.. magtiwala ka sa kanya dahil mahal ka niyan at wala yang ibang iniisip kundi kapakanan mo.. di tulad ng friends mo na itsitsismis ka lang.. tulad namin ni Inday, sana kayo rin ay maging magbespren..

alam ko na hindi tayo naging super close dahil nga sa age gap natin.. 11 years nga naman kasi.. hindi mo naman kasi maiintindihan ang mga problema at concerns ko.. pero sana ay maging close din kayo ni Inday tulad ng pagiging close namin sa isa’t isa sa takdang panahon.. magiging hingahan mo rin siya ng lahat ng problema mo lalong lalo na sa pag-ibig.. at huwag kang magulat kung sampalin ka rin niya kapag may kagagahan kang ginawa.. normal lang yun..

sana’y lumaki ka ng maayos.. at huwag mong gayahin ang lahat ng mga masamang nagawa at ginagawa namin.. hehehe.. i-enjoy mo lang ang buhay… huwag na huwag mong kalimutan mag-aral ng mabuti dahil ako, hindi ko nagawa ‘yun.. ibawi mo na lang kami sa lahat ng mga kapalpakan namin sa buhay at sa perwisyo kay Mama.. at gaya ng palagi mong binibida kay sa kanya, magpaka “good girl” ka..

marahil ngayon ay alam mo na kung bakit kailangan mong i-enjoy ang party ng 7th birthday mo.. dahil paglampas nun ay hanggang pansit ka na lang.. hehehe..

Happy 10th birthday bunso.. you will always be our little angel.. i love you..

Nene