Jhaynee

Archive for Oktubre, 2008|Monthly archive page

Mabaquiao?…. Absent!

In Others on Oktubre 13, 2008 at 5:19 umaga

Maswerte akong tao…

Dahil buti na lang wala nang ganyang roll call ngayong college. Kung hindi ay to the max ang pagiging halata ng absenteesm ko.

Dahil hindi pa naman ako nadadrop sa mga subjects ko kahit lampas na ako ng 6 absences which is the maximun number of absences per sem.

whew!

lately, iba na ang bati sakin ng mga schoolmates kong dati kong kaclose…

“o! bat ngayon lang kita nakita dito?”

“nag-aaral ka pa ba?”

“san ka ba nagpupunta at di na kita nakikita sa school?”

naknang…! sorry ha!!!

di kasi tayo magclassmates. di ko rin kasi mahintay ang mga break time niyo. at tinatamad na kasi talaga akong magstay sa school. parang wala ng purpose.

kanya kanyang buhay na talaga ang mga tao ngayon. o ako lang ba ang talagang nagsarili na lang? basta’t tinatamad na ako sa school dahil hindi na tulad ng dati ang lahat. at sa tingin ko ay hindi na rin mababalik sa dati yun.

sa tingin ko, epekto ito ng mga pagbabago sa block scheduling. Super iba na talaga ang schedule ko sa iba kong kabarkada. ang uber kulit ko namang bespren ay busy na rin sa review para sa isang national competition. shet! si miss british na lang at si mister singkit ang naiwang makakasama ko sa school at ang dalawang yun ay hindi ko rin mahagilap most of the time.

marami na rin akong namimiss na events sa school at sa barkada. marami nang topic ang hindi ako nakakarelate. marami nang nangyari na hindi ko man lang nasaksihan. mga bagay na hindi nakita o narinig. pero higit sa lahat ay namimiss ko na rin ang FOMOF (friends of manong oca forever). mga tawanan at mga walang kwentang jokes. walang katapusang puchlines. chismis at secrets na hindi lang amin kundi pati kung sa ibang tao (evil grin). lunch sa Roadhouse o kahit K2 man lang. basta….

so saan nga ba kasi ako nagsususuot?

contrary to the haka-haka of every doubtful person, i am not DATING! puhleeez… my boyfriend is somewhere far away from Iloilo and as much as i wanted to go out on a date, i just simply can’t.. so erase erase erase.. tunog defensive ah.. hehehe.

kapag wala ako sa skul………. nasa bahay lang talaga ako.

ganun lang kasimple ang buhay ko ngayon. bahay at eskwela lang.  kaya naman kung wala ako sa skul, malamang tulog ako. hehehe. pero aside sa tulog ay napag-isip-isip ko na masay rin pala sa bahay. simple lang at tahimik ang buhay. kadalasan radyo ang naririnig ko dahil soundtrip ang hobby ni erpats habang gumagawa ng kahit anong butingting sa garden.

kung marami man akong namiss sa skul ay marami rin naman ang nalalaman ko sa bahay dahil nga sa kakabonding sa kanila. tulad ng….

pagluluto ng cordon blueu. first ulam yan na alam kong lutuin maliban sa noodles at pancit kanton. ulam ba yun? basta..

nasa puberty na pala ang bunso namin. tsk tsk tsk. ambilis talaga ng panahon. kelan lang eh tuwang tuwa pa kaming lahat sa sobrang kacute-an niya. ngayon eh nagtatanong na kung kelan lalaki ang dibdib niya. ang landi!! manang mana sa ate.. kaya’t hindi na ako nashoshock.

baby boy. gusto ng parents ko na magka baby boy.. ayoko. dahil wala kaming pera pangtustos sa kailangan niya. haaaaaaay. pero kung gusto nila, eh ano pa nga ba ang magagawa ko??? anak lang naman ako. pero ilang ako sa fact na ang super bunso na baby boy at panganay ko someday ay magiging playmates pa. so parang magkumare lang kami ni mama nun habang pinapanood na naglalaro ang mga anak namin? ganun?

problema. kung hindi ko pa natuklasan, may namumuo palang problema sa pamilya namin. hindi pa siya discovered at mejo sensitive siya. ako pa lang ang nakakaalam at shet! dahil hindi ko alam ang gagawin ko tungkol dun. nawa’y patnubayan na lang ako ng maykapal sa kung ano ang tama at dapat gawin.

marami man akong namimiss na events sa school at sa barkada. marami mang topic ang hindi ako nakakarelate. marami man ang nangyari na hindi ko man lang nasaksihan….

mas ok na rin ang ganito…

siguro…

Advertisements