Jhaynee

Archive for Abril, 2008|Monthly archive page

itago na lang natin sya sa pangalang RYAN AGONCILLO…

In Others on Abril 22, 2008 at 6:15 umaga

…dahil kamukha nya raw si Ryan Agoncillo ayon sa mga schoolmates kong, sa aking opinyon, ay malalabo ang mata.. Hehehe..

Siya lang naman ang senior auditor sa firm kung saan ako nag.OJT ngayong summer.. Hindi ko alam kung bakit nasabi ‘yun ng mga schoolmates kong 1 year ahead sakin.. Masyado siguro silang stressed nung mga oras na yun.. at dahil na rin siguro sa nagdadagsaang exam at deadlines ng mga papers.. kaya’t sige, pagpapasensyahan natin sila.. hehehe..

Hindi kasi siya kamukha ni Ryan; hindi kahawig; at kahit sa panaginip ko ay hindi parin kayang mag-mutate ni Kuya “Ryan” into Ryan.. In fairness naman, magkatunog ang pangalan nila at magkapareho sila ng gupit ng buhok at………………. at………… at……………… magkapareho talaga sila ng gupit ng buhok… hahaha!!! Hindi ko alam kung meron pang ibang parte ng katawan ni kuya “Ryan” na hawig kay Ryan.. Kung meron man ay hindi ko na alam dahil wala rin naman akong ibang nakikita kundi ang ulo, kamay at braso nya.. Hindi ko rin naman napapansin ang kamay at braso ni Ryan para masabi kong may hawig nga sila.. Siguro yun ang nakita ng schoolmates ko.. Hehehe..

Ooops!!! Bago mo sabihing nangungutya na naman ako, ay uunahan na kita.. Hindi ako nangungutya at lalo nang wala akong sama ng loob o ano mang galit sa taong ito.. kung ano man ang mga nabanggit ko ay parte lang yun ng isang magandang intro.. kaya’t makisabay ka na lang.. blog ko to… hehehe…

Idol ko yang si kuya “Ryan”… yun ang totoo.. kahit di sya kasing gwapo ni Ryan, at hindi nga rin siya kagwapohan, ay meron naman syang kakaibang “charm”… hehehe.. Hindi ko alam kung “appeal” ang tamang salita para dun pero meron nga naman siya nun kahit papano.. Hehehe.. Hindi ko lang alam kung stressed din ako pero may kakaibang epek kasi ang ngiti ni kuya “Ryan”… O siguro nga may fetish lang ako sa smile.. hehehe…

Ayan ka na naman.. imimisimterpret mo na naman ako na may crush sa kanya.. Hindi ha.. Magbasa ka muna kasi para maintindihan mo.. Pinoy ka nga..

So pagkatapos kong linisin ang madumi mong utak, balik tayo kay kuya “Ryan”…

Si kuya “Ryan” ay isa sa maraming taong pang-aasar ang favorite hobby.. Isa rin ako sa mga taong yun pero si kuya “Ryan” ay may ibang level.. Ibang sobrang taas na level.. Sobrang taas, mapipikon ka talaga.. Naaalala ko nung nagfield work kami sa SMDC (wag mo nang itanong kung ano at saan yun, di nman inportante yun sa kwento), sumasabay ako sa kantang tumutogtog sa radyo.. Bawat sabay ko, hihirit sya ng “Tssssssssssssss…” Dahil hindi pa naman kami close nun, tatahimik na lang ako, tapos tatawa sya na parang batang may natanggap na kendi.. Kakanta ako ulit at hihirit sya ulit.. Paulit-ulit na nangyayari ito hanggang sa huling araw ko sa firm.. Minsan nga ay kahit nagkikipag-usap ako sa ibang tao ay bigla na lang syang hihirit.. Asar.. At dahil sa huli ay nasanay na rin ako, hindi na ako tumitigil sa pagkanta o pagsasalita… bahala siya sa buhay nya..

Minsang napikon ako sa pinaggagawa nya, hindi na ako nagsalita.. Busy busyhan na lang ako at kunyaring nagcoconcentrate sa trabaho.. At dahil hindi pa siya kontento ay tinabihan pa ako at nakipag-usap pa kunyari.. Tapos tatawa lang ng tatawa… ganun sya kalakas mang-asar, tatagos hanggang buto mo.. masyado raw kasing busy ang staff na regular kakulitan nya kaya’t ako muna ang tinitiis nyang pagtripan.. astig din naman sya…

Nung hiningi niya na mag-extend ako sa work, nabanggit pa nga niya na siyempre, kailangan daw ako dun lalo na kapag inaantok na siya at kailangan niya ng kakulitan at maaasar… wow!!! kakatouch di ba??? hehehe…

Hindi naman siya ganun ka salbaheng bata.. hehehe.. minsan naman ay makikitaan mo rin siya ng tinatawag na kabaitan.. kahit ilang minuto lang ay, at least, may napakita.. magpasalamat ka na lang.. hehehe..

Minsan may pinagawa siya sa’kin na ITR ng isang companya.. limang oras lang naman na tumatagas ang dugo sa ilong ko dahil hindi ko alam kung pano gawin ang pakshit na ITR na yun.. Kung naiigib lang ang dugong tumulo sa ilong ko ay pwede na nitong palitan ang isang buong dam.. Ngunit kahit anong hirap ng pinagawa niya sa kin ay hindi ko maatim na humingi ng tulong sa kanya.. hindi ko rin alam kung bakit pero siya siguro ang huling taong hihingan ko ng tulong tungkol dun.. siguro kasi nauna nang tumatak sa utak ko ang impresyong isang siyang malaking pang-asar.. pagkatapos akong tulongan ng isa pang senior na close sa akin, gusto kong maglog jam (sumigaw nang malakas na malakas).. ang dali dali lang naman pala ng pinagagawa nya sa kin.. hindi ko maintindihan kung bakit pinag-ukolan ko pa yun ng ilang oras kung matatapos ko lang naman yun in 15 minutes.. buhay nga naman.. at least, sa susunod, alam ko na kung pano gumawa ng ITR.. sa huli ay nakikita ko rin sa kanya na parang nakokonsenya siya sa pinagawa niya sa kin.. hindi ko alam kung awa yun dahil mukhang nahihirapan nga naman talaga ako; o inis kasi ang dali dali ng pinagawa niya at hindi ko pa magets.. pero sa kabila ng lahat, naisip ko na at least, may conseniya din pala siya.. hehehe.. Pagkatapos nun ay balik pang-aasar nanaman..

May isang instance din na naging mabait siya sa’kin.. ‘yun ay nung bagong gising ako after naming maisipan ng isang senior na magpahinga after working overnight.. mukha siguro akong sabog at kaawa-awa kaya nag-offer siya na magpatugtog para daw mabuhayan naman ako kahit konti.. oo.. ang maliit na gesture na yun ay kabaitan na.. uhmmmm.. nung nagpatugtog na siya at mukhang balik sa dating alertness na ako, balik na rin siya sa pang-aasar..

Nailahad ko na sa’yo ngayon at marahil ay clarong claro na sa’yo kung gano ka epektib mang-asar ang taong ito.. pero sa kabila ng lahat ay wala pa rin naman akong sama ng loob sa taong ito… mapagbiro forever lang kasi talaga siya at natiytempohan lang na ako ang pinakaperfect na prospect niya nung summer na ‘yun..

Childish na mature si kuya “Ryan”.. kung nagugulohan ka, ay pareho tayo.. hehehe..

May PSP sya na pwede na nyang maging girlfriend.. kasama kahit saan… pasttime pag pagod o walang trabaho.. kung nagsasalita nga lang yung PSP ay malamang yun na rin ang parating kausap nya at hingahan ng lahat ng problema nya sa buhay.. Nabubuhay din sa tawa ang taong ito.. Napapasay ng maliliit na bagay… kahit na ang simpleng pagkakita lang ng nawawalang file ay makapagpaligya na sa kanya.. at kapag mejo over pa ang kasiyahan nya ay may kasabay pang talon ang tawa niya.. Childish..

Pero mature.. Sa gulo ng office, ay isa siya sa mga taong tuwid pa rin ang pananaw at walang halong emotion ang mga desisyon.. isa sya sa mga sandigan ng mga tao sa office.. hingahan siya ng bawat taong may problema tungkol sa trabaho.. sa madaling salita ay hingahan ng lahat.. pasan rin nya ang maraming trabaho sa office.. hindi lang ang pagiging senior nya ang pinoproblema nya kasi siya narin ang technical support, guidance councilor at minsan administrative officer ng firm.. pero kahit minsan ay hindi ko nakitaan ng panghihina si kuya.. hindi ko rin naririnig na may sama siya ng loob sa mga tao sa ofis.. o siguro dahil na rin sa hindi ko lang nakikita at naririnig.. sino nga ba naman ako??? pakialamera!!! hehehe.

Hindi ko alam kung pano nya nasisikmura ang lakas ng impluwensya ng politika sa opisina.. siguro nga ay nabubuhay siya sa motto nya na “ganun talaga ang buhay.. trabaho lang.. walng personalan..” Pero sya lang ata ang taong may motto na ganun sa opisina.. lahat ay umiikot na sa politika at kaplastikan.. Mutant din naman ang taong ito sa tatag niya..

masyado kasi siyang realistic.. realistic na positive.. kaya siya nagiging takbuhan ng lahat.. dahil habang nalulunod ka na sa galit at self pitty ay ibabalik ka niya sa katotohanan nang kinalalagyan mo.. at ipapakita niya sa yo na kahit papano ay may positive effect din naman ang nangyayari sayo.. hindi ko alam kung naiibsan nga ang sama ng loob ng mga kausap niya.. siguro ay sa isang punto, sasama din ang loob mo kapag hindi nakikijoin sa simpatya mo ang kausap mo.. pero sa bandang huli, maiintindihan mo na tama nga naman ang sinasabi nya.. isa siyang malaking reality check.. frustrating minsan pero totoo..

Pero hindi nga rin naman niya siguro maiintindihan ang nararamdaman ng ibang mga empleyadong umalis na at nagbabalak na umalis dahil wala siya sa situasyon nila.. hindi niya naranasan na masiraan sa boss nya at sa cliente nya.. Pero sabi ko nga, baka hindi ko lang alam.. Sino ako para maghusga… Pakialamera na naman!!! hehehe..

Magaling nga naman kasi talaga makisama si kuya “Ryan”… kaya nya kasing sakyan ang trip ng kahit sino sa office.. Kaya siguro hindi na rin nila inaaway si kuya.. mabait nga naman kasi.. kasundo ng lahat.. Bukod dun ay magaling sya sa trabaho.. Kahit nga pinagagalitan ng administrative officer dahil sa pagiging late ay pinagtatanggol naman sya ng partner.. San pa sila??? eh partner na ang nagtatanggol sa kanya??? hehehe.. at kahit halata naman sa kanya at sa mga kwento nya niya na hindi siya masyadong behaved na bata, ay halata rin naman na matalino talaga siya…

Sa kabuoan ay mabuting tao itong si kuya “Ryan”..

Hindi ko man alam ang istorya ng buhay nya..

Hindi ko man minsan masakyan ang pang-aasar nya..

Hindi man nya kahawig si Ryan Agoncillo…

Saludo pa rin ako sa kanya…

Astig ka kuya “Ryan”…

At adik ka rin..

Hehehe…

something i read form my e-mail… Something i can relate to…

In Others on Abril 5, 2008 at 3:18 umaga

BEING TWENTY – SOMETHING

They call it the “Quarter-life Crisis.” It is when you stop going along with the crowd and start realizing that there are many things about yourself that you didn’t know and may not like. You start feeling insecure and wonder where you will be in a year or two, but then get scared because you barely know where you are now. You start realizing that people are selfish and that, maybe, those friends that you thought you were so close to aren’t exactly the greatest people you have ever met, and the people you have lost touch with are some of the most important ones. What you don’t recognize is that they are realizing that too, and aren’t really cold, catty, mean or insincere, but that they are as confused as you. You look at your job… and it is not even close to what you thought you would be doing, or maybe you are looking for a job and realizing that you are going to have to start at the bottom and that scares you. Your opinions have gotten stronger. You see what others are doing and find yourself judging more than usual because suddenly you realize that you have certain boundaries in your life and areconstantly adding things to your list of what is acceptable and what isn’t. One minute, you are insecure and then the next, secure. You laugh and cry with the greatest force of your life. You feel alone and scared and confused. Suddenly, change is the enemy and you try and cling on to the past with dear life, but soon realize that the past is drifting further and further away, and there is nothing to do but stay where you are or move forward. You get your heart broken and wonder how someone you loved could do such damage to you. Or you lie in bed and wonder why you can’t meet anyonedecent enough that you want to get to know better. Or maybe youlove someone but love someone else too and cannot figure out why you are doing this because you know that you aren’t a bad person. One night stands and random hook ups start to look cheap. Getting wasted and acting like an idiot starts to look pathetic. You go through the same emotions and questions over and over, and talk with your friends about the same topics because you cannot seem to make a decision. You worry about loans, money, the future and making a life for yourself… and while winning the race would be great, right now you’d just like to be a contender! What you may not realize is that everyone reading this relates to it. We are in our best of times and our worst of times, trying as hard as we can to figure this whole thing out.
One day Love and Friendship met.

Love asked Friendship: “Why do you exist if I already exist”?
Friendship replied: “To put a smile where you leave tears.”But
Love snarled back: “Then why, in the first place, did you ask me to take over you”??