Jhaynee

Archive for Setyembre, 2008|Monthly archive page

Dear Papa Jesus,

In Others on Setyembre 28, 2008 at 1:32 hapon

nagsulat ako sa inyo noong September 26 ng madaling araw. pero di po napublish dahil sa ****** ***** internet connection dito sa bahay na nasira kaya po hindi na talaga umabot sa dapat niya puntahan. kahit nga po nung gabi na hinabol kong ipublish ito ay hindi na rin kinaya dahil sa antok, puyat at sama ng loob. haaaaay.. pero eto na po… sa wakas…

uhmmmmm…

hello….

hehehe…

mejo nahihiya po ako ngayon sa inyo kasi hindi na tayo gaanong close ngayong mga nagdaang araw. Di tulad nung summer na araw-araw akong nagsusumbong sa inyo ng lahat ng nangyari sa akin sa buong araw. as if naman, hindi mo pa alam.

haaaay.

sorry kung nakakalimot na ako ngayong bumati sa inyo ng good morning at good night. hindi na rin kita nachichikahan ng mga current events at general issues sa buhay ko. nagiging busy na rin kasi ako sa mga bagay bagay at mejo tumutubo na naman ang sungay ko kaya’t eto po ako ngayon humihingi ng tawad. nagsisimba naman po ako impernes. kaso nga lang sa buwan na to, halos hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga pari sa simbahan. parang chant lang ang naririnig ko at hindi gaanong klaro ang sounds. pwede niyo po ba silang sesantehin? di na kasi sila effective.

pero hindi po ang mga pari ninyo ang ikukuwento ko sa inyo ngayon.. dahil sa pagkakataong ito ay gusto kong magpasalamat…

salamat po dahil in lab ako ngayon. alam ko naman na ginusto niyo ring ma-in lab ako kaya nga pinagtagpo niyo kami. ito na po ang pinakamasayang buwan sa buong buhay ko. pinakamabilis, panakamatagal, pinakasweet, pinakaexciting, pinakasurprising at pinaka………masaya. nasabi ko na bang masaya ako?

alam ko pong sa loob ng isang buwan ay ang dami nang nangyari sa relasyon namin. kami nga rin ay nagugulat sa velocity ng events. sino ba naman ang hindi nagugulat sa love story na nangyayari lang ang lahat in one month. siksik sa events dahil andun na ang meeting, getting to know, courtship at romance. pero ok lang yun, kasi hinala namin, ikaw na rin ang may gusto nun. may mga bagay naman kasi na nangyayari pero hindi namin controlado. tulad na lang ng pagpapakilala ko sa kanya sa pamilya ko. hindi naman namin plinano at pinaghandaan yun pero nangyari na lang bigla. impernes naman, iba talaga basta’t kayo ang nagplano. walang paltos, walang mali. naging ok na rin naman ang pamilya ko sa kanya. sa ngayon ay ini-internalize pa nila ang fact na may boypren ako. sino nga naman ba ang hindi mabibigla kapag dinalhan sila ng boypren ng anak nila ng walang pasabi. lahat na nangyari ng araw na yun ay PERFECT. kulang pa nga ang perfect para idescribe ang mga nangyari. so ang tama term ay…. uhmmmmm… PERFECTS. tama.

salamat po kasi binigyan  niyo ako ng boypren na sobrang bait, mapagmahal, sweet, maalaga, responsable, gwapo at… yummy. ahem. ahem. yummy. hehehe. mahal na mahal ko po siya. as in. promise. salamat at marunong talaga kayong pumili ng mga taong ipapares niyo.

kahit seloso yun at stricto ay natotolerate ko naman sa ngalan ng pag-ibig. hindi ko nga alam kung bakit ganito ako ngayon. di naman ako ganito dati. di ba dati ayoko ng may nagsasabi sakin kung anong dapat kong gawin? gagawin ko ang gusto ko kung kelan ko gusto. salamat at naturuan mo ang puso kong mag-intindi at magbago. hindi ko nga naman pinilit yun para lang sa taong ito. basta’t nahalata ko na lang na parang iba na ang lahat. salamat at effortless ang change. kung hindi ay baka world war 3 reenaction na ngayon ang nangyayari. pero nagbabago na ako. mahal ko talaga kasi.

salamat sa mga panahong ipinahihiram mo sa aming dalawa. oo nga’t maiikli ang mga sandaling yun pero nasa listahan na yun ng most wonderful moments ko. hindi matutumbasan ng kahit anong bagay dito sa mundo. wala akong pinagsisihan sa mga bagay na isinakripisyo ko para lang masulit ang mga panahong andito siya at magkasama kami. maraming samalat po at sanay dagdagan niyo pa ang mga biyaya niyo sa aming dalawa.

hinihiling ko po sa inyo na sanapatatagin mo pa ang pagmamahalan namin at patagalin niyo po ang pagsasama namin. alam kong maikli pa lang ang panahon na naibigay ninyo sa aming dalawa pero hinihiling po namin sa inyo na sana po ay nakapagdecide na kayo na kami na lang ang love team forever. sobra po kasi kaming nag-eenjoy sa pagmamahalan namin kaya’t sana’y huwag niyo na pong putulin.

may gusto po sanaakong hingin sa inyo.. na sanaay pahabain at patigasin ninyo. uy! wholesome po ito!!! pahabain niyo po ang aming pasensya para mas maintindihan at mapalampas pa po namin ang kalokohan at kapalpakan ng isa’t isa. patigasin niyo din po ang loob naming dalawa para makayanan namin ang mga challenges na ibabato niyo sa amin. eto naman kasi, nag-isip agad ng kung ano-ano.

huwag niyo pong lagyan ng maraming bebot sa mga lugar na pinupuntahan at nadadaanan niya. pero since hindi ata mangyayari yun sa Cebu… uhmmmmm… lagyan niyo na lang po siya ng piring sa mata parati tiyaka helmet na rin kasi baka mauntog at mawala ang bisa ng gayumang nailagay ko sa pagkain niya. hahaha!

please lang po, tulungan niyo po ako na maipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. bulungan niyo po siya na siya lang po talaga kaya’t di na niya dapat pang pagselosan ang iba. at pakisabi na rin sa kanya na ayaw kong mawala siya sa akin. yun na ang pinakahuling bagay na gusto kongmangyari.

higit sa lahat, sanahindi po kami magsawa at magpagod na mahalin ang isa’t isa. para matupad ang lahat ng pangarap at planonamin sa buhay.

miss ko na rin siya papa jesus. pwede bang magdeclare kayo ng holiday at bigyan niyo siya ng bonus para makauwi na dito? haaaaay.

noonniya pa po ito hinihintay tong blog entry na para lang sa kanya. nagseselos na nga yun sa mga dati kong boyps. kasi sila may post, siya wala. pero gusto ko kasi na kapag para sa kanya, espesyal na talaga. bongga ba? kaya’t sa kaunaunahang monthsary namin, eto na muna ang gift ko sa kanya.

hanggang sa susunod papzi.

salamat ulit. maraming maraming salamat

-jhaynee