Jhaynee

Archive for Marso, 2010|Monthly archive page

Sweet Revenge

In 1 on Marso 20, 2010 at 11:40 umaga

Sabi nila, masama raw ang gumanti. Ito raw ay hindi kailanman maituturing na katapangan lalong lalo na kung madagdagan lang ang gulo na sinimulan na. Mas maituturing daw na matapang ang mga taong nagpapakumbaba, nagpapatawad, nagbibigay at naguunawa. Ayon nga sa sikat na quotable quotes ng ninuno natin, “Kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.”

Pwes, kung ganon, hindi ko na aangkinin ang titolo ng katapangan. Hindi ako mapagkumbaba at lalong lalo nang wala akong tinapay. Wala akong panahon para mag-isip at intindihin ang mga bagay na hindi naman dapat pang pag aksayahan ng oras. Kaya’t bahala na ang Diyos, gaganti ako! Basahin ang karugtong nitong lahok »