Jhaynee

Archive for Enero, 2009|Monthly archive page

Init sa taglamig

In Others on Enero 22, 2009 at 8:03 umaga

**********************************************************************************************************

OFFTOPIC: paki bisita ng POST MO, GRADE KO page. pls!!!!

***********************************************************************************************************

ano at saan ito?

ambilis ng mga pangyayari

ang pagdampi mo sa aking katawan

hinalikan mo ito

hindi man lang ako nakailag

hindi ako nakapalag

ninakaw mo ang aking lakas

at sa kung anumang dahilan

wala akong nagawa

kundi ang maghintay

naramdaman ko ang init

at sa puntong yun

alam ko na may mali

hindi ko ito gusto

tama na ayoko na

nasasaktan na ako

lumayo ako sa yo

sinubukan kong pumiglas

sa iyong kapit

at sa iyong haplos

na mapanlinlang

ng buong lakas at tapang

pinangako kong

hindi na ito mauulit muli

pangako

ngunit ang katangahang ito

ay mag-iiwan ng alaala

at ang hapdi

ng sugat na iyong naidulot

ay matatagalan bago maghilom

 

putanginamong tambucho ka!!!

Public Notice: Post Mo, Grade Ko

In Others on Enero 21, 2009 at 2:20 hapon

************************************************************************
OFF TOPIC: ang Perfect Christmas ay may sarili nang page. Dun na lang abangan ang updates. Thanks! ************************************************************************

Ako po si Jhaynee. isang baguhang blogger ng WP.

Isa po akong graduating student ng unibersidad na naturingang National University ng Pilipinas at isa po sa requirement ko upang makagraduate ay ang manggulo ng buhay niyo at humingi ng kahit konting oras niyo.

masaya di ba?
hindi?
masaya yan..
basta isipin mo na masaya ito.
isipin mo!

may report at paper ako na gagawin tungkol sa MUNDO NG BLOGGING at ipepresent ko ito sa isang malaking audience – sa klase. Anlaki diba? hehehe. layunin ng report ko na maghasik ng lagim sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila sa blogosperyo at mag-ambon ng kaalaman tungkol dito. since ito naman ang pinagkakaabalahan ko ngayon, mabuti na ring ito na ang i-report ko para di ako mahirapan mag-allocate ng resources ko. ayos?

andito na rin sa internet ang lahat ng info na kailangan ko pero gusto ko sanang kunin ang mga personal na opinyon ninyong lahat. kaya’t humihingi ako ngayon ng tulong ninyo, bloggers and readers alike. sana, kapag nadaanan mo itong blog ko, sagutan mo ang survey na nasa ilalim. at kapag mejo mahal mo pa ako ng konti ay ibalita mo rin sa friends mo ang tungkol dito para makasagot din sila. kahit hindi ka dating nagcocomment at lurker lang, kung naligaw ka lang o napadpad sa langit ko, sana naman ay mahabag ang puso mo sa paki-usap kong ito:

lumuluhod ako.
nakiki-usap.
nagmamakaawa!
*insert puppy eyes effect here*

“TULUNGAN NIYO AKONG PUMASA!!!!!”

INSTRUCTIONS:

Kung maaari sana ay gumawa kayo ng entry na sumasagot sa mga tanong na ito at i-link niyo ang site na ito sa inyong entry (Huwag kalimutan ito). Bibisitahin ko ang site niyo at ngayon pa lang ay humuhimngi na ako ng pahintulot na kunin ang entry na yun at ipresent sa publiko. kasama na run siyempre ang pags-spread the good news ko tungkol sa blog niyo at kukuha ako ng sample entries mula sa ilang blogs. magpapaalam naman ako kung sakaling gagawin ko na ang pagco-copy paste. Don’t worry, hindi ko trip ang plagiarism. Crime yun. (alam kong pwede niyo rin namang icomment dito ang sagot niyo sa mga tanong pero gusto ko rin sana kasing humingi ng tulong sa inyo sa pagpapalaganap ng panawagan na ito para sa ikatataas ng grade ko. pls naman o! hehehe)

para naman sa non-bloggers pero avid readers, paki comment na lang ng sagot sa ilalim pero pakisend ng picture sa same email address.

1. bakit ka nagb-blog?
     bakit ka nagbabasa ng blogs? (for readers w/o blogs)
     bakit wala ka pang blog? (for readers w/o blogs)
2. ano ba ang benefits na nakukuha mo from blogging?
3. may masama bang epekto ang blogging sa isang tao?
4. isang mensahe para maghikayat pa ng mga baguhang bloggers.
5. isang makulit at maikling pabati para sa audience ko…… ang UP Visayas College of Management Batch 2004 (UPV CM BATCHOY) at ang teacher kong si Sir Ramirez. (pwedeng picture ito? ok lang? kung hindi… uhmmm… pwede isend sa regalangel5050@yahoo.com? Pero kung talagang ayaw at di pwede, isama na lang ang iyong bati sa entry.)

Hinihingi ko rin na sana bago matapos ang buwan, ay may mga mahabag sa akin at mabubuting puso na tumulong at makiisa sa layuning kong ito. Sori kung mejo may deadline ha. Ganun talaga pag school work.

Salamat sa inyo at sa pagdinig ng panawagan ko.

More power!

Perfect Christmas 2: Come and Go

In Others on Enero 19, 2009 at 1:09 hapon

May nakita akong mataas na tao, maputi, may sombrero at sobrang laking backpack. Good for the holidays na bagahe.

He looks familiar…………

Tinaas niya ang ulo niyang kanina lang ay nakayuko. Eeeeeeeeeeeengk! Iba pala. Nakatulog? Ibang barko? Ibang schedule? Surprise! Di pala umuwi! Stop it! Hindi na ako tumingin sa gate. Dun na lang sa malayong malayo. Para hindi na ko mag-abang, maexcite at madisappoint. At para na rin hindi na sumakit ang leeg ko.

“Ne, ayan na si Mr. Kulit!”

“Saan?”

“Ayun oh!”

Halos maduling ang mata ko kakahanap. Eeeeeeeeeeeengk! False alarm! Kunyari hindi na ko excited. Sinusubukan ko nang ilayo ang mata ko sa gate. Pero pasulyap-sulyap ap rin naman ako. I can’t help it. Paparating ang lalakeng minamahal ko.

Pakonti nang pakonti ang taong lumalabas sa gate. Nawala ang ngiting-tanga na nasa mga labi ko kanina lang. Tinging-confused na lang ang naiwan. Sumulyap ako ulit sa gate at nakita ko ang isang lalakeng nakablack polo shirt and cap. May dalang backpack na parang boarding house niya ang laman at ilang parte ng bike na nadismantle.

Andito na siya.

Nagtinginan lang kami. Konting ngiti. Lumapit kami sa isa’t isa.

“O! Hali na kayo!”

Pangsira ng moment talaga si mama. Ever. Sana pala naglipstick na lang ako. Wala rin naman pala akong hahalikan. Shet. At di na rin nagpabango dahil hindi rin naman ako makakachansing. Hey mama! So masaya ka na?

Pauwi kami ng bahay nang naisipan ni mama na daanan ang mga dapat niyang bilhin para sa almusal. Naiwan kaming dalawa sa kotse. At……….. at…………….. at nag-usap lang kami. Kamustahan portion, batuhan ng corny lines, tapos………… tapos………. Tapos dumating na si mama.

Dumating kami ng bahay at nag-almusal. Ipinagpahanda ko pa yun kay manang para sa kanya. Extra rice to the max ika ko, dahil unli rice rin ang trip ni Mr. Kulit. Tumambay kami sa sala. Nag-usap kami at nagkulitan. Mga haliparot. Nakalimutan naming may ibang tao pa pala sa bahay. Ang gulo naming dalawa. At least, kami lang ang tao sa sala. At sa bawat halakhak at kiliti nung mga panahon na yun, kahit gaano kasimple, doon ko napagtanto na………………… tama rin pala ang decisyon kong magpabango at huwag maglagay ng lipstick. Congrats Jhaynee! Job well done! Hindi. Doon ko napagtanto na totoo ngang malandi maligaya ako ngayon. Sa simpleng pag-uusap lang na bumubusog sa aking puso at sa bawat corny punch lines na nagpapatawa sa amin, parang ok na ang lahat. Parang walang kulang. Parang walang mali.

Subalit lahat ng kaligayahan ay may katapusan. May pamilya rin naman siyang kelangan uwian at may lolo’t lola rin kaming naghihintay sa probinsya. Malungkot ang panahon ng paghihiwalay. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang OA o ganun din ang ibang tao. Basta.

Nalungkot ako. Mahirap kalabanin ang panahon because time is gold, and time heals all wounds they say and I should know. Therefore, no body can turn back time, and tears will keep on flowing. But sometimes, only sometimes, I wish…….. I was a bird. Nagulo ko na naman ang mga utak niyo. Wala ka talagang kwentang kausap.

“Magkikita din naman tayo bukas di’ba?”

“So? Iba naman ang bukas eh”

“Inaantay ako ni nanay for lunch. Gusto mo bang magalit sa’kin yun?”

“Uhmmmmmmmmmm….” Nag-isip pa talaga eh.

“Sige na. Uwi na ko. Pakisabing thank you kay Manang at kay mama… mo. Hehehe.”

“Dalawang kilong talangka at isang kilong shrimp ha…”

“Ayos boss. Paki-tawag naman ng taxi.”

………………………

“Busy eh.”

……………………..

“Grabe busy talaga.”

……………………..

“uhmmmmmmmmmmm.”

……………………..

Tama nang palusot Jhaynee.

Sige na nga.

……………………..

 

Tanginang taxi ambilis dumating!

 

(abangan)

Perfect Christmas Part 1: Ang Pag-aabang

In Others on Enero 17, 2009 at 2:10 hapon

Alam kong medyo huli na ang post na ‘to para sa season na dapat niyang paglugaran, pero hindi pwedeng hindi ko mapost ito (1) dahil ito ang pinakamasayang pasko na dumaan sa buhay ko; (2) dahil binigay sa akin ni papa Jesus ang isang bagay na hindi ko hinihingi pero gustong-gusto ko; at….. at…… uhmmmmmm…… at (3) dahil hindi niyo rin kasi naman ako pwedeng pakialaman.

Dati sa kanta ko lang naririnig ‘yang PERFECT CHRISTMAS. Naisip ko nga noon na siguro eh wala nang ibang adjective na naisip ang composer kaya’t ‘perfect’ na lang ang inilagay. Parang expression na chever, churva, churvalu, eklavu, chenes, etch-etch at kung anek-enek pa na ginagawang pang fill-in the blank sa mga sentences. “Napaka… uhmmmm… churva ng Christmas ko grabe!”. So sa caso natin ngayon, “Napaka… uhmmmm… PERFECT ng Christmas ko grabe!”.

Ni hindi nga rin ako naniniwala sa perfect christmas eh. Nothing is perfect, and only practice makes perfect, but Christmases can’t be practiced, so why perfect? Naguluhan ka no?! Bleh!

But anyways, anyhow, anywhat, anywho, anywhen, anywhy… to cut the long story short, I ended up having the best Christmas of my life! Cut the story eh hindi pa nga naumpisahan cut na agad?! And this is how it happened…. Si Conshensha yang lahat ng may BLUE.

Insert SFX here. Black and white video (flashback).

Desperas ng pasko at around 5am, excited akong gumising. Darating si Mr. Kulit ngayon at susundoin ko siya sa pier. Kagabi pa lang ay nakapagdress rehearshal na ako para sa perfect outfit, at ang lucky set of clothes ay isang brown sleeveless top, brown printed skirt at black stretchable belt. Ayan parang nakabestida na ako. Ayan parang magsisimba ka na rin. Shumatap ka nga! I look good on it. So nag-ayos na ko para sa grand pagbabalik ni Mr. Kulit. Hindi na rin ako nagmake-up at baka may halikang mangyari, ampanget ng marka ng lipstick sa labi. shshshshsh!

Papalabas na ako ng bahay nang biglang…. “Ne, hintayin mo na ako at sasamahan na kita.” Supportive ba ang nanay ko sa paglalandi ko o takot lang siyang may puntahang kaming ibang lugar ni Mr. Kulit? Sa tingin ko eh takot siya. Malamang nung kapanahunan niya ay mas malandi pa siya sa’kin kaya OA siyang mag-isip. Dinahilan pa na may bibilhin daw sa tindahan kaya sasama na lang sa’kin para madaanan na namin on our way home. Whatever mama, you’re such a loser! Pero hindi siya magaling sa palusot dahil hindi ako naniwala dun. Pero may choice pa ba ako? Edi magkasama kaming pumunta sa pier.

7am andun na kami. May papalapit nang barko. Haaaay andito na siya at last.

“Ay ma’am sa kabilang dulo po ang daungan ng barkong ‘yan”
“Kuya, eto na po ba ang Cokaliong?”
“Ay mamaya pang alas 8 ang dating nun mam. Pero dito rin ang daungan nun. Dito na lang kayo maghintay.”

Masama ang tingin ni mama sa akin. “hehe… hehe… hehe…” Fake laugh to the max. Kailangan pa naming maghintay ng isa pang oras. Kewl.

“Ma, bilhin mo na lang kaya ang mga dapat mong bilhin. Diyan na lang sa malapit na tindahan tapos balikan mo na lang kami dito.”
“Hindi ko kabisado ang tindahan dun. Mamaya na lang”
“Eh matagal pa naman eh. Di kaya taxi na lang kami pauwi.”
“Hintayin na lang natin si Mr. Kulit.”

Taray ng lola mo! Ayaw akong iwan. OK fine!

Malapit nang matapos ang 1 hour ng paghihintay at malapit na rin akong mangisay sa lamig. Nahahalata na ang mga kaliskis ko sa binti dahil sa sobrang dry. Kamutin mo lang ng konti ay nagkakaroon na ng white marks. Ay? May chalk? Nagchi-chiken skin na rin ang braso ko. You look good on your dress ha? Bleh! Shit! Ambagal ng oras. Whatever Jhaynee! You’re such a loser!

Buti na lang at may dala akong jacket sa kotse. Ayoko pa sanang gamitin dahil masisira ang outfit ko. Pero kapag hindi ako nagjacket ay baka di ako makagalaw, tapos mabasag ako bigla na parang cartoons. Bwisit! Pagdating ko sa kotse, narinig ko na ang bosina ng barko. Kung alam ko lang na sasabay lang pala ang barko sa pagkuha ko ng jacket, kanina ko pa sana kinuha yun. Tsk tsk tsk.

Dali-dali akong bumalik sa waiting area. At habang nakikita ko ang mga tao na papalapit sa labasan, pahaba rin ng pahaba ang leeg ko sa kakahanap kay Mr. Kulit. Nakangiti pa akong parang tanga sa sobrang excitement. Pero halos madetach na ang ulo ko sa leeg ko sa kakatingin, hindi parin siya lumalabas. What’s wrong? Ba’t ang tagal niya? Nakatulog? Ibang barko? Ibang schedule? Surprise! Di pala umuwi! Shit!

May nakita akong mataas na tao, maputi, may sombrero at sobrang laking backpack. Good for the holidays na bagahe.

He looks familiar…………

(abangan)

nahihirapan ako…

In Others on Enero 12, 2009 at 7:40 umaga

magpost ng entries dito sa blog ko…

marami akong gustong isulat..
mga emo stuff..
mga bagay-bagay na matagal ko nang kinikimkim..
mga kaechosan ng buhay na hindi matarok nino man…
kaya dapat hanggal blog lang ang exposure niya..

pero marami na ang nakakakilala sa akin ng personal…
alam na nila kung sino ang nasa likod ng blog na to…
hindi ako makasulat ng maayos…
may blog nga ako pero parang nakakulong pa rin ako…
hindi ito ang gusto kong mangyari nung ginawa ko ang blog na to…
gusto ko lang sana ng anonimity (tama ba?)…
at higit sa lahat ay ang kalayaan na maipahayag ang totoong saluobin ko hinggil sa mga bagay-bagay sa magulo kong buhay…

pero pano mangyayari yun?
kung nababalot pa rin ng mapanhusgang lipunan ang aking mundo?
kung ang bawat titik na naisususlat ko ay binabantayan ng mga mapangutyang mata?
kung ang bawat pagsambulat ko ng katotohanan ay may issue na lalabas tungkol sa akin?

dapat ko na bang iwan o idelete ang hinulugang pakpak?

gagawa ba ako ng bagong blog?

o mananatili na lang ako dito at hayaan na lang ang ilang entries na hindi pwedeng isulat?

o gumawa na lang kaya ako ng bagong blog perosusulat pa rin ako dito?

ah shet!!

nahihirapan ako…

naknam… andrama nito ah..

bwahahahaha!!! lokaret.