Jhaynee

Archive for Agosto, 2008|Monthly archive page

next time na lang…

In Others on Agosto 29, 2008 at 3:12 hapon

maraming naghahiatus ngayon sa blogosperyo… ewan ko ba’t anjan na naman ang natural kong pagiging inggitin… hehehe… kainis talaga tong mga gawain sa skul nakakasira ng buhay blogging.. grrrr…

namimiss ko nang magsulat dito sa blog ko… andami kong naiisip pero wala akong time.. sa susunod na maisulat ko to hindi na to bago at marahil matagal nang nangyari…

kahit pagiging simpleng lurker namimiss ko na rin… wala nang time kahit magbasa man lang ng gawa ng iba….

shet!!!

semi hiatus muna mga parekoi…

kitakits na lang dito next time…

An “elite’s” point of view

In Others on Agosto 15, 2008 at 6:29 umaga

Sosyal ang rakrakan ngayon sa yahoogroup ng mga student organizations sa UP Visayas. To the max ang debate tungkol sa aktibism at sa pagiging radical. Grabe ang batuhan ng mga mensaheng galing sa grupong aktibista at grupong “elitista”. ito kasi ang tawag ng grupong aktibista sa mga estudyante wa kebs at paki sa mga pamutok ugat na mga sigaw nila against corruption at tuition fee increase. pamutok ugat at walang katapusang sigaw. imperness, kahit man lang sa ganung criteria ay naging elite na rin ako. bwahahaha!!!

Sa pagkakaalam ko ay nagsimula ang lahat ng ito nung magpapoll si Ma’am Isay sa yahoogroup na ‘yun last year. Hindi ko maalala ang insaktong words na ginamit kasi nga last year pa pero parang “does activism create a positive effect in the economy?” Eh dahil nga poll siya ay may nanalong option at nanalo ang “no”. Kung ako nga rin ang sasagot nun ay “no” na rin ang pipiliin ko. Kung ako kasi ang titingin sa sitwasyon at foreign investor ako, hindi ako mag-iinvest sa Pilipinas dahil magulo dun at masyadong maraming rally. Mabato pa ang bintana ng shop ko at masira ang mamahaling glass o baka magkariot agad at ako pa ang mabugbog. No no no!!! Sira ang beatuy ng lola niyo. Kaya NO. Pero hindi rin naman ako nakasagot dun sa poll kaya insignificant ang opinion na ‘yun. Hehehe. Echos lang.

Simula nung araw na lumabas ang result ay naging sabungan na ang yahoogroup na yun… HANGGANG NGAYON. Ganun kahayop ang mga taga UP sa debate tungkol sa prinsipyo. Patayan sa internet. Minsan nga ay hindi pa naiiwasan at nagiging personal na talaga ang banat ng iba.

Sa halos isang taon kong pakikibasa dun ay nakijoin na rin ang lola niyo sa usapan at nagbigay din ng sariling opinyon. Tapang tapangan na rin ang lola niyo at minsan lang rin naman makahirit. Wahaha!!! In response lang naman yun sa isang message ng kung sinong Lean Porquia na mga elitista na daw talaga ang mga taga UP. Hindi na kasi aktibo sa mga social at economic issues sa school at sa government. Pft!! Tae!! Hindi niyo lang kami nauto, ‘ka niyo!!! Mga bitter kayo.. Bitter!!!

Pero hindi ako elitista. Pramis!!! Hindi naman sa wa kebs ako sa mga nangyayari sa mundo. Uhmmm.. Mejo… Ewan… Oo na! aaminin na! Mejo wala akong paki-alam sa nangyayari sa mundo. Napagod na rin kasi ako sa pakikialam. Nakakarindi pakinggan ang lahat ng nasa news at paulit-ulit na controbersya ang nasa dyaryo. Baka bukas makalawa magulat na lang kayong lahat na may mga plackards na “OUST JHAYNEE!!! PATALSIKIN SI JHAYNEE!!” ano daw??? wala namang akong pwesto sa kahit saan. Kahit dito nga sa blog ay zero balance pa ako. ang gulo na talaga ng mundo.

Nasubukan ko na rin namang magrally impernes. Hindi naman ako ganun ka apathetic. Nasubukan kong magrally para patalsikin si ERAP. naging epektib naman yata kaya’t si Gloria na ang nasa pwesto… no? pero ganun pa rin ang sinaryo at rally pa rin sila ng rally para sa kahit anong issue. Maliit man o malaki ay pinagrarallyhan na ng mga aktibista ngayon. Hindi ko alam kung meron rin silang society na may basehan din sila kung sino ang mas “in” o hindi. Padamihan ng rally na napuntahan? paramihan ng ugat na pumutok? paramihan ng beses na napaos? paramihan ng megaphone na nakolekta? pagandahan ng plackard at streamer? Depende siguro. Pero bakit halos lahat ng lang ng issue na lumalabas may sumisigaw sa kalye tungkol dun? Ewan.

Napatanong din ako nun kung ano ang hanap buhay ng mga taong nakikijoin sa rally at kung bakit parang hindi rin sila mga busy people na may hinahabol na deadline at nanggagalaiti na boss o supervisor dahil absent sila.

Ang rason…

Dahil mga galing probinsya pala sila. Mga taong binabayaran ng rallying group para magpadami ng tao sa rally nila. Nakasama kasi ang tito ko sa isang “nation-wide” rally noon. At dahil nga naman nation-wide ay dapat nay nation-widest coverage din ang grupo. Tama nga namang bigyan natin ng lugar ang mga kapatid nating galing sa mga bundok ng lugar sa kalsada at hayaan silang magbitbit ng mga plaka. Pautot na walang kapantay. Eh hindi nga rin alam ng tito ko kung ano ang nirarally nila at para kanino ang rally na ‘yun. Basta may pagkain at pera. Ansaya naman nun.

Simula noon ay hindi na ako nagkaroon ng tiwala sa mga rally. At dahil bawat mukhang nakikita ko sa kalsada ay inaakala ko na na binayarang nilalang lang para makijoin sa sigawan, ay nanliliit na rin ang pagtingin ko sa kanila. Kulang ba sila ng taga hawak ng plaka at streamers at kelangan pang magbayad para sa labor nito? Ewan.

Hindi ako anti-rally. Kung hindi man ako nagrarally ay dahil naniniwala parin ako sa lakas at kapangyarihan na maidudulot ng aksyong ito. At dahil din sa paniniwalang yun kaya’t ayaw kong sayangin ang lakas at boses ko sa mga walang kuwentang rally. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa rally. At hindi lahat ng rally nadadaan sa bagay…. Ano daw? angulo kong kausap. Hehehe.

Naiinis ang karamihan sa mga aktibista kapag walang nakikisali sa mga simpatya nila. Kung hindi “nakikita” ng taong bayan ang mga isyu na dapat nilang “ipaglaban”. Pero ano nga ba ang pinaglalaban nila? Human rights ba? O ang pagpapatalsik lang sa mga taong nasa administrasyon? Para kasing lumalabo na ang mga agrumento ng mga aktibista ngayon. Hula ko, mga obssessed sa negativity ang mga taong yun. Kaya’t sa bawat isyu, hindi na uso ang analysis basta’t dapat tutol na sila agad. Parang…. uhmmmm… way of living na you cant get away with.

Nakakahalata na kasi ako. Na ang mga rally ngayon, hindi na tungkol sa isyu kundi tungkol sa tao. Anti-someone na ang lahat. Eh mag-isa lang ba siyang may kasalanan sa nangyayari sa gobyerno natin?? Siya lang ba talaga ang corrupt??

Sabihin mo sa’kin
Na hindi mo ginagamit ang office supplies para sa assignment ng anak o kapatid mo…
Na hindi ka nakiusap sa kumpare mo para makakuha ka ng special treatment sa isang ocasyon o lugar…
Na hindi ka nagpiprint sa opisina mo ng mga kailangan mo na personal…
Na hindi mo ginagamit ang pera ng organisasyon kapag kinukulang ka..

Sabihin mo…

at magrarally ako..

Hanggang Kelan???

In Others on Agosto 15, 2008 at 5:21 umaga
lahat ng tao sa buhay mo, nakikilala mo dahil sa kung ano mang dahilan..
bawat isa ay may papel na ginagampanan at silang lahat ang bumubuo sa kung sino ka man… sila ang saksi sa magulo mong buhay..
walang hindi importante..
walang mas importante…
lahat pantay-pantay…
lahat may epekto sa bawat salitang nabibitawan at sa kilos na nagagawa mo.. at ang bawat salita at kilos nila ay may epekto din sa iyo…
hindi mo man namamalayan..
hindi mo man nagawang pansinin ang mga epektong ito…
hindi ito maikakaila..
gustohin mo man o hindi, lahat tayo ay magkakaugnay kahit sa pinakasimpleng paraan man lang.. at lahat ng dumadating sa buhay mo ay dala ng tadhana..
pero..
pare-pareho lang silang lahat..
iiwan at iiwan ka rin..
maaring ngayon o bukas makalawa..
mamamatay, mang-iibang bayan, lilipat ng paaralan o trabaho o simpleng hindi na lang magpapakita at magpaparamdam.. iba-iba rin ang style nila..
malamang iba-iba rin ang pagpapahalaga mo sa bwat isa sa kanila at ganun din sila sa’yo.. pero sa huli, isa lang naman ang hantungan ng lahat ng ito.. ang pinag kaiba lang ng bawat tao sa buhay mo ay mas matagal mo lang nakasama ang iba..
yun lang..
ikaw?
kelan at papano mo ko iiwan?

Header

In Others on Agosto 12, 2008 at 9:35 umaga

SALAMAT kay…

ERIC

 

 para sa bagong header ko..

ayah ha!! may publicity ka na.. hehehe..

you deserve some space her in my blog so..

CHENKYU!!!

CHENKYU!!!

Secret na muna kung sino si Eric..

shshshshsh…

Waiting Shed

In Others on Agosto 1, 2008 at 8:42 umaga

kanina pa ‘ko dito
nahihintay sa ‘yo
nangangawit na ang tuhod
umiinit na ang ulo

nasa’n ka na?
di ba’t sinabi mo na darating ka?
ilang oras pa ba?
maghihintay sa….

chorus:
waiting shed (kung sa’n tayo nagkatagpuan)
waiting shed (ang paborito naitng tambayan)
waiting shed (saksi sa lahat ng pinagdaanan)

andun ka na pala?
ba’t di ka nagpakita?
ano ba ang problema?
at di nakapunta?

naduduwag ka ba?
na malaman ko ang tunay mong nadarama
alam mo bang nakita kita?
nagtatago malapit sa…

chorus:
waiting shed (kung sa’n tayo nagkatagpuan)
waiting shed (ang paborito naitng tambayan)
waiting shed

bridge:
sana sinubukan mo ‘kong lapitan
at sinabi ang lahat ng nararamdaman
dahil sana kung matapang ka lang
maririnig mo na mahal din kita…
pero asan ka na???
andito lang ako sa…

chorus:
waiting shed (maghihintay ng pagdating mo)
waiting shed (magbibilang ng bawat minuto)
waiting shed
waiting shed

waiting shed (ayoko nang mag-abang sa)
waiting shed (gusto ko nang makalimutan ang)
waiting shed
waiting shed
kung saan mo ako iniwan

=(

huwag lang siya dumating at sabihin sa’kin na mahal niya ako dahil sasampalin ko talaga ang duwag na ‘yun… pahintay at paasa… kainis talaga ang mga love story na “i’m sorry but it’s too late…” pootah!!!