Jhaynee

Archive for Nobyembre, 2008|Monthly archive page

Paalam…

In Others on Nobyembre 18, 2008 at 9:45 umaga

Hinding hindi ko malilimutan araw na ito. Ang araw na nawala si Trisha sa buhay naming lahat.

Namatay ang pinsan ko sa edad na 7, at dahil ito sa dengue na hindi naagapan.

Masyadong malusog kasi yang pinsan kong yun. Sobrang taba at malaki para sa edad niya kaya’t nung nilagnat at manghina ay inakala ng lahat na gutom lang at kulang sa pagkain. Pero hindi naman siya kumakain kapag hinahandaan na siya ng kung anu-ano para bumalik na ang gana niya. inakala na naman ng lahat na nagdi-diet lang siya. medyo conscious na rin kasi yung bata sa weight issues niya. puro akala ang umiral. kaya’t naging huli na ang lahat.

madaling araw ng Huwebes, bandang alas 4, tumunog ang telepono. humagulgol si Manag Belen at ang mga kapatid ko.. alam ko na ang nangyari. dali-dali kaming pumunta sa ospital.. nanghihina akong umakyat ng hagdanan.. habang naririnig ko na ang iyakan nilang lahat, may parte ng katawan ko na ayaw nang umakyat pa.. nung dumating kami, niyakap kami agad ni auntie. iyak siya ng iyak habang sinasabi na wala na raw si Trisha.. paulit-ulit.. as if hindi pa namin alam..

lumabas na nga ang bangkay mula sa ICU at humagulgol na ulit ang lahat… umugong ang kalungkutan sa buong floor ng ospital.. pero kahit ilang balde ng luha ay wala nang magagawa upang maisalba pa siya..

inayos na ang lahat ng gamit. inimpake na rin ang mga damit. wala nang gagamit ng mga yun.. habang malungkot ang lahat na naghihintay sa lobby upang maclear ang hospital bill, nagkaroon ng problema.. ang pamilya namin, tumawag na sa punerarya upang kunin ang bangkay dahil sabi ng isang nurse, kailangan nang makuha ang katawan niya in 24 hours..ang hospital naman pala may policy na kung hindi full ang babayaran ng pasyente, sa kanilang affiliate funeral home muna ilalagay ito..

nagkakagulo na ang lahat. nagsisihan na ang mga nurse. nagalit na ang mga kamag-anak ko. at ang malaking problema, papunta na ang funeral services na kinuha ng pamilya.

sa isang sulok, may babaeng nakikinig lang sa usapan namin.. kinausap niya ang isang tiyahin ko at nagtanong tungkol sa problema…

(translated)
Ale: (curious) ano bang nangyayari dito?
Tita: (galit) ang walang kwentang ospital kasi na’to, walang kwenta rin ang mga nurse! sinabi ng isa na pwede na kaming tumawag ng punerarya na kukuha sa bangkay ng patay namin, tapos eto pala’t hindi pwede! dapat pang ipadala sa ibang punerarya.. malaki na nga ang gasto namin dito, magdadagdag pa sila.. imbes na makatulong eh ginawan pa kami ng problema!!!
Ale: (gulat) o?! bakit daw?
Tita: (galit pa rin) a ewan!!! dahil yun daw ang sinasabi ng SOP nila.
Ale: (galit na rin) Sino ba yang S.O.P. na yan?! ano ba yan dito sa ospital?! aba’y wala siyang karapatan na apakan ang mga pasyente dito!!
Tita: (lito) ah? SOP yun ang nagsasaad ng mga dapat nilang gawin dito sa ospital. yun yung mga dapat nilang gawin at sundin.
Ale: (galit pa rin) eh mga gago pala sila eh! anong karapatan niya? kilala ko mga nurse dito. sabihin niyo lang kung sino yang si SOP na yan.. ang kapal ng mukha niya hindi naman siya ang presidente dito!!!

amf!!!

Advertisements