Dinagyang 2009 Pebrero 11, 2009
Posted by Jhaynee in Others.trackback
Pasensya na kung ngayon ko lang napost ito…
Konting Background Muna
Para sa mga hindi familiar sa Dinagyang, ito ay isang event sa Iloilo na nagbabaliktanaw sa ating mga ninuno(oo, ita ang ninuno mo, magdeny ka pa jan!) at ang pagreporma ng aming probinsya patungo sa relihiyong Kristyanismo. Ang fiestang ito, bukod sa magandang pagkakitaan, ay para bigyang pugay at sambahin si Senor Santo Nino.
Iba po ang Dinagyang
Akala ng marami ang Dinagyang, Sinulog at Ati-atihan ay pare-parehong event lang na idinaraos sa iba’t ibang lugar. Akala mo lang wala! Pero meron! meron! meron!!!! Naguluhan ka, i know. Iba ang Dinagyang dahil Best Tourism Event ito sa boung Pilipinas. Bwahahahahahaha!!! Ang iba ay……… Tourism Events lang. Malaking difference na din yung Best di ba? Ang yabang ko.
Ang main event nito ay pacontest kung saan nangmumudmod ang lungsod pati na rin ang mga tatakbong politiko ng maraming pera. Ang mga tao naman ay audience lang talaga sa contest at hindi tulad ng ibang pagdiriwang kung saan active aprticipants ang mga pipol sa street dancing.
The Contest
May dalawang araw ng pagdiriwang ang Dinagyang. Ang unang araw ay tinatawag na Kasadyahan (Kaligayahan) Festival. Hindi gaanong mabagsik ang competition at performances sa araw na ‘to. Warm up lang kung baga. Ang performance sa unang araw ay parang reenaction ng pagdating ng mga mananakop at paglaganap ng Kristyanismo sa Iloilo. Iba’t ibang bayan sa Iloilo ang sumasali dito at isa itong oportunidad para maipakita nila ang mga yaman o produktong ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Ang mga bayan kasi dito ay may specialization at field of expertise sa isang produkto. May bayan na sikat para sa produktong kawayan, talangka, bandi at kung anu-ano pang halaman at kahayupan na masagana sa bayan nila. Kahayupan? Pwede na rin isali dito ang rape at murder kung ito ba ang masagana sa kanila eh. Pakialam natin.
Ang pangalawang araw naman ay ang tribe competition na sinasalihan ng mga public high schools dito sa Iloilo. Ito na ang pinakahilight ng buong event ng Dinagyang. Dito na nagpapakitang gilas sa pagandahan ng choreography, props, music, at iba pang talento. Pero ang hindi alam ng karamihan , ang totoong criteria ng contest na ito ay paitiman ng singit at paliitan ng T-back.
Common sights
Ito ang mga common na makikita mo sa araw ng Dinagyang…
1.Props at costume na bonggang bongga
2. Chikababes ng mga ita warriors
3. Child abuse
4. Mga foreigner at artista - O! huwag ka nang umangal, masasaktan ka!
What happens next
1. Wanders of Asia – Pasensya at sobrang layo nila kaya’t malabo ang picture. Pero sobrang galing nila. Promise!
2. Bonding ng pamilya
2. Mamam
Masaya talaga ang Dinagyang dito sa Iloilo. Hindi lang mababait mga tao dito, matiwasay at mapayapa pa ang event. Dalawang tao lang naman ang namatay eh. Safe na safe na yun. Hehehe. Pero huwag naman kayong matakot kasi namatay naman sila sa mga lugar na hindi kanais nais tambayan, at rare cases din naman ito. Wala namang nangingidnap ng turista dito. Kaya’t kung ako sa inyo, dumalaw na kayo dito next year dahil siguradong magugustohan niyo ito.







hindi pa ako nakakapunta sa dinagyang.
maganda nga raw dyan at masaya,
haiz
hmm… i love your pics
pero tawang tawang ako sa mga small captions mo
ehe
hidlaw man ta dinagyang ba. miss ko ang foodfest and mga gimiks during dinagyang. hala bira iloilo!
okey yung pictures..ganda ng view
Baka kumanta sila ng “MY WAY?”
Maganda tlaga ang Iloilo, palaging nakangiti ang mga tao
ti… ilongga ka gali?
na-miss ko ito. yang street dancing, inuman sa daan, crablets at crispy kangkong, manood ng parada sa may Sarabia. arrrggh!!! teka, ikaw yung nasa pictures? hotness!
hahaha nami ba? tani ara ko da next year ba? whahaha..dasyaon wala ko ya…
nami man gd daw ah! syempre BOLA_BOLA for life na ko ya! hahaha..gapa gapa ba? whahaha….:D
whaaaah!!!! lawlaw paghidaet!! sila pa nakakwa bst in costume?!!! ewww ah… may ati nga naka gown sang una haw?… color yellow pa na… such a loser… ihaw!!!!!!!!!!