Ang blogosperyo o blogosphere sa English (duh!) ay ang sikat na pangalan ng mundo ng blogging.
Dahil kung si Enteng at Faye ay may Enkantadia…
Si Shrek at Fiona at may Far Far Away…
Si Fred Flinstone ay may Bedrock…
At si Dagul ay may Going Bulilit…
Si Jhaynee at ang ibang mga adik ay may….
BLOGOSPERYO
Ano ba ang BLOG?
Ang sikat na salitang “blog” ay galing sa term na Web log. Ito ay isang online diary na may kakayahang mag-upload ng pictures, video at music na siguradong hindi kaya ng diary niyo nung kayo ay grade 5 pa lang. Ito ay pinamamahalaan ng isa o maraming tao na walang magawa sa buhay kundi ang magpa-tan gamit ang radiation ng PC monitor, magpa-pasmo sa pamamagitan ng sobrang pagtype, at maghasik sa lagim sa sanlibutan sa pamamagitan ng internet. Ang mga taong ito ay mas kilala sa tawag na “bloggers“.
Ang mga blog ang masisisi ng National Bookstore kung bakit humihina na ang bentahan ng mga diaries na may lock na usong uso nung elementary ako. Pero dahil nga sa mabilis na pagbago ng panahon, nagiging sosyal at high-tech na rin ang mga diaries. Password na ngayon ang proteksyon mo laban sa usisera mong nanay at mga kapatid. Jologs na rin ang mga nagkakakalyo ang kamay dahil arthritis sa fingers na ang uso ngayon.
Kaya’t itapon na yang mga journal at diary dahil alam naman ng kapatid mo kung saan mo itinago ang susi ng lock niyang hugis puso, magbukas na ng computer at gumawa ng blog. Sakay na!
Mga iba’t ibang uri ng blog
Maraming ale at mama na ang napagtanungan ko, naligaw na rin ako sa sandamakmak na websites para lang sa listahan ng mga uri ng blog pero iba-iba ang sagot sa bawat site. Depende siguro sa trip ng nagsusulat. Ewan. Mabuti na lang at napadpad ako sa bahay ni Jaypee na may roong lisatahan ng mga nanalo sa Philippine Blog Awards 2008, isang prestihiyosong patimpalak para sa mga magagaling ng bloggers ng Pinas. Dahil naniniwala naman ako sa kredibilidad ng contest na ito, dito ko na ibabatay ang mga uri ng blog na namamayagpag dito sa blogosperyo. Ito ay ang:
- Arts & Culture
- Business
- Commentary
- Entertainment
- Food & Beverage
- Family & Living
- Fashion & Lifestyle
- Hobby/Recreation
- News & Media
- Personal
- Photoblog
- Sports
- Technology
- Travel
- Videocast & Podcast
Saan pwedeng gumawa ng blog? Sa WORDPRESS!
Dahil “in” na nga ang blogging ngayon, maraming tao na rin ang naeengganyong magkaroon ng blog. Nagkalat na rin sa iba’t ibang community sites ang blogs. Nagkakaroon na rin ng blog feature ang Friendster at Multiply ng dahil sa pagsikat nito. Ang pagpili ng blog site ay depende sa mga pangangailangan ng isang blogger.
1. Gusto mo bang maging anonymous?
Halos lahat ng mga blogger dito sa blogosperyo ang nagiging sikat sa kanilang alyas at hindi sa totoong pangalan. Kung ikaw ay isang blogger na gustong panatilihin ang iyong secret identity dahil mas trip mo ang magsambulat ng iyong mga krimen at sexcapades dito sa blogosperyo, pwes mas bagay sa’yo ang maghanap ng sites or hosts na para lang talaga sa blogging. Mas madali nga talaga magsulat ng mga entries kapag hindi ka kilala ng audience mo at wala kang pakialam sa mga sasabihin nila. Pero kung mas gusto mong alam ng mga BFF mo ang lahat ng mga kakulitan, kababuyan at ka-emohan mo, pwes mas maganda kung sa Friendster ka na lang dahil may notice pang ipinapadala sa bawat pagpublish mo ng entry.
2. Bakit mas angat ang WordPress sa ibang free blog sites?
Hindi ko na talaga kayo binigyan ng option na iba. Dati akong blogger ng Friendster at Blogspot at pangatlong bahay ko na itong WordPress blog ko. Nasubukan ko na rin ang gumawa ng blog sa LiveJournal. Batay sa karanasan ng isang NPA na kagaya ko na palipat-lipat, masasabi kong mas masaya dito sa WordPress.
Ang higit na nagpapasaya sa WordPress community ay ang mga blog statistics. Ang makita kung ilan ang view sa blog mo sa isang araw, kung anu-ano ang mga tinatype ng mga tao sa search engine para makapunta sa site mo, ang makita ang pangalan mo sa fastest growing blogs ng WP, at marami pang ibang saya na dulo’t ng blog statistics.
3. May pera ka ba?
Kapag may pera kay pambayad ng annual payment ay mas mabuti rin kapag bumili ka na lang at magpamanage ng sarili mong “dotcom”. Mas controlado mo kasi ang iyong blog kapag ito ay binabayaraan mo na at pinagkakagastahan taon-taon. Mas malalagyan mo ng mga design at pakulo depende sa gusto mo at sa mga
Sinu-sino ang mga nasa blogosperyo?
Ito ang mga taong nakilala ko ng dahil sa hiwaga ng blogosperyo. (see Blogroll)
Post Mo, Grade Ko Project
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga bloggers na tumulong sa akin at hindi nag-atubiling magbahagi ng kanilang oras para lang sagutan ang aking survey para sa kapitag-pitagang lecture na ito. Na-antig niyo ng bonggang bongga ang aking puso dahil sa munting tulong na ito. Sana balang araw ay makatulong din ako sa inyo kahit papano. Sa muli, maraming salamat kina:
para sa makukulit na comments sa aking post tungkol dito sa report na ito at kaagad na rumesbak sa aking pangangailangan. Salamat rin kina:
Para sa munting effort na magpublish ng post para sa aking munting hiling dahil sinubukan niyong humabol sa mga aking report. Salamat ng marami. Higit sa lahat, hindi ko makakalimutan ever si:
UTOY
dahil siya ang kauna-unahang nilalang na nagtiyagang magpost ng pagkahaba-haba para lang sa project na ito. Siya rin ang dahilan ng pagdami ng mga nagbibisita dito sa site ko at nadadagdagan na rin ang comments ko ng dahil sa kanyang pag-advertise ng project kong ito. Marami nga talaga sigurong fans si Utoy at pati mga ito ay nauuto naiimpluwensyahan niya na ring dumalaw dito sa bahay ko.
**************************
this blog is sucject to changes
**************************
kulang pa ata toh ah
pero mag ccoment na ako
“kulang pa toh”
lol… antay ko makumpleto
babalik ako
padal-i ko di ginamos sa canada… ok na na sa akon. hehehe… galing basi i kick out ko sa balay ni senyorito…
hey im a nubie….tnx 4 dat info..
exlink po tau???
tnx po
Http://simplefula09.wordpress.com
my pleasure jhaynee..balitaan mo kami ha.dapat flay 1.0 ang grade mo dyan.hehe.goodluck. :p
flat 1.0 pala..my mistake.pakiedit na lang.tenchu. :p
ako rin bago sa mundo ng blogsphere, pero dito ko unti-unting naiisawalat ang aking kamalayan at hungkag na isipan. Agree, ako sa lahat na sinabi mo…may bunos pa pala..MABUHAY ka kaibigan
aba naman…syempre ikaw pa? hehehehe….no probs dear..pamahaw ko ha? hehehhee
welcum! hahah!! alam mo ba dumadami na nga ang notebooks/ diary ko sa bahay eh kaso ayun wala na akong maisulat dahil dito na ako nagsusulat!! mas madali kasi mag type kaysa magsulat!! ^^
wow sikat ako. special mention
u’re welcome. sna nakatulong yun 
paano? aral tayo mabuti!
–gudang! ^^
as usual, late ako sa comments. hehe…
salamat sa paglagay sa name ko.
anlaki at kulay red pa talaga, balentayms an balentayms!
nag-enjoy naman ako sa pagtugon sa project mo
so i’m equally rewarded din.ü
regards ulit sa Bachoy class!
God bless!
dapat uno ka nga kasi magagaling ang tumulong sayo! galing!
wow. hee. gnda po ng post mo!! .. pa-exchange links po! .. dming salamat!